Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / GF inalok ng kasal ng BF sa video game

GF inalok ng kasal ng BF sa video game

NAKAISIP ang web developer mula sa Oregon ng kakaibang paraan ng pag-aalok ng kasal sa kanyang girlfriend sa pamamagitan ng pagbubuo ng computer game.

Limang buwan binuo ni Robert Fink sa tulong ng dalawang kaibigan, ang video game na tinaguriang ‘Knight Man, A Quest For Love’ bago inalok ang girlfriend niyang si Angel White na subukan ang software.

Matapos na makolekta ng knight ang lahat ng gold rings at nasagip ang kanyang prinsesa, naging malinaw kung ano ang kasunod na mangyayari.

Napaluha si White nang mabasa ang mensahe sa computer game: “I have searched far and wide and braved many dangers searching for my one and only. I believe with all my heart that I have found you… Angel White, will you do me the honor of sharing your life with me?”

Pagkaraan ay pinapili siya sa ‘Yes’ or ‘No’ at sa kabutihang palad, hindi pa game over dahil pinili niyang magtungo pa ang kanilang relasyon sa su-sunod na level.

(ORANGE QUIRKY NEWS)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top