Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, nakiusap sa dating network na pabalikin siya

Aktor, nakiusap sa dating network na pabalikin siya

HINDI naman siya mismo, kundi sa pamamagitan ng mga taong malalapit sa kanya. Nakikiusap daw ang isang male star na pabalikin na siya ng dati niyang network. Nakahanda siyang magsimula sa isang mababang presyo pero ang kondisyon lang niya ay sabihin ng network sa press at sa publiko na sila ang kumuha sa kanya, at hindi siya nakiusap para makabalik.

Pero kahit na ganoon, hindi pa rin daw kinagat ng network ang offer, dahil ang sabi nga raw ng isang network executive, pain lang iyan, at oras na makabalik na iyan babalik din ang sungay niyan na nagbigay sa kanila ng matinding sakit ng ulo noong araw.

Sinasabi namang maraming mga kaibigang “malalakas” ang male star, pero mukhang wala silang magawa para kumbinsihin ang kani-kanilang mga network na kunin ulit iyon.

(Ed de Leon)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top