Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Juvenile Championship inaabangan sa MMTC

Juvenile Championship inaabangan sa MMTC

Bukas ay  magaganap na ang paghaharap ng 14 na kalahok sa pinakahihintay na pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom)—ang 2013 Juvenile Chapionship sa bakuran ng Metro Manila Turp Club (MMTC) sa Malvar, Batangas.

Isa sa mga inabangan sa naturang pakarera ng huling buwan ng taon ay ang alaga ni Manny Santos na  Kid Molave.

Sa labing 13 kalaban ni Kid Molave,  ilan  sa matinding makakalaban nito ang entry ng Javier Stable, Dimacuha stable, Congressman Jeci Lapus stable.

Nakuha ni Kid Molave ang paghanga ng publikong karerista nang pagwagian niya ang Philtobo Juvenile Championship sa patnubay ni Jockey Jessie Guce.

Inaasahan ni Mr. Santos na makakatawid ang kanyang alaga sa ikatlong malaking karerang sinalihan matapos magwagi sa Sweepstakes Maiden championship.

Bukod sa naturang pakarera ay may special na karera na ihahandog ang MMTC sa publikong karersita sa mahusay at matinong handicapping.

Ang mga lalahok dito ay makikita ang kanilang future para sa nalalapit  na 2014 Philracom-Triple Crown Championship.

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top