Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Jeep sumalpok sa trike, truck 1 patay, 7 sugatan

Jeep sumalpok sa trike, truck 1 patay, 7 sugatan

SINALPOK ng pampasaherong jeep ang isang tricycle at isang 10-wheeler truck na nagresulta sa pagkamatay ng isang biktima at pito ang sugatan sa Cari Menor, Leganes, Iloilo.

Agad namatay ang driver ng tricycle na si Jovit Sumagaysay, habang sugatan naman ang driver ng jeep na si Ronaldo Aspera, ng Brgy. Milan, Lemery, at anim na pasahero.

Katwiran ng driver ng jeep, nasilaw siya sa nakasalubong na sasakyan kaya nabangga ang sinusundang tricycle at tuluyan pang bumangga sa nakaparadang truck.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top