Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Anghel totoo ngunit walang pakpak

Anghel totoo ngunit walang pakpak

TOTOO ang mga anghel ngunit wala silang mga pakpak at mistulang liwanag lamang, ayon sa opisyal ng Simbahan.

Ayon kay Catholic Church “angelologist” Father Renzo Lavatori, ang celestial beings ay muling pinag-uusapan bunsod ng New Age religions.

Ngunit iginiit niyang ang traditional portrayal ng mga anghel na lumulu-tang bilang winged cherubs ay walang katotohanan.

“I think there is a re-discovery of angels in Christianity,” pahayag ni Father Lavatori sa kompe-rensya hinggil sa mga anghel sa Renaissance palace sa Roma.

“You do not see angels so much as feel their presence – they are a bit like sunlight that refracts on you through a crystal vase,” dagdag pa ni Father Lavatori.

Kalahok ang senior clergyman sa debate kaugnay sa angelic art ng Fondazione Archivio Storico, ang Italian art foundation.

Ginanap ito sa Vatican-owned Palazzo della Cancelleria.

Ayon kay Art historian Professor Valerio Massimo Manfredi, unang nabanggit ang salitang “angelos” sa Mycenaean civilization sa Greece mahigit 3,000 taon na ang nakararaan.

Ang kahulugan nito ay “messenger” sa ancient Greek.

Sinabi naman ni Monsignor Giovanni Tonucci, pinuno ng Loreto Marian sanctuary, ang mga anghel ay “pure souls”.

Bunsod ng kawalan ng “defined form” nagbuo ang mga artist ng imahe ng anghel ayon sa kanilangimahinas-yon.

“Following the cultural history of angels is following the history of humanity, or at least of our civilization,” pahayag ng conference organizers.

“Angels have helped drive religious and philosophical thought and have gi-ven birth to sublime forms of poetic and artistic expression,” anila.

Inihayag ni Father Lavatori, ang popula-rized image ng anghel ay maaaring resulta ng kanilang pagiging “back in fashion” ngunit taliwas sa lahat ng angel art sa  Christmas.

“There is space for that, but you have to understand that these are not real representations. Angels do not have wings or look like cherubs,” aniya.

Sinabi ng widely-published Catholic clergyman at isa ring “demonologist,” hi-git na kailangan nga-yon ang mga anghel.

Dahil sa pagiging materyalistiko ng lipunan, “nabuksan ang pintuan” para sa mga demonyo, aniya.

“There is a lot more interference from diabolical forces. That is why you see queues of people outside the exorcists’ offices in churches,” aniya pa.

“Pope Francis talks more about the devil than about angels and I think rightly so. But it’s still early, he will get round to the angels too.” (ORANGE QUIRKY NEWS)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top