Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Air21 papasok sa trade

Air21 papasok sa trade

DESIDIDO si Air21 head coach Franz Pumaren na palakasin ang kanyang koponan sa pagpasok ng Bagong Taon.

Ibinunyag ni Pumaren ang plano niyang gawin ang ilang mga trades upang tulungan ang Express na makahabol pa sa huling puwesto sa quarterfinals ng PBA MyDSL Philippine Cup.

Sa ngayon ay may dalawang panalo at walong talo ang tropa ni Pumaren sa torneo pagkatapos na malusutan nila ang Globalport, 109-103, sa overtime noong araw ng Pasko sa Mall of Asia Arena.

“We need a point guard and we need another big guy, maybe a four or a five,” wika ni Pumaren. “Hopefully by January, we can have new guys. Despite of us losing, we’re still upbeat with our current negotiation. We’ve been talking with management because we’ve been trying to get additional support.”

Ayaw muna sabihin ni Pumaren kung sino ang itatapon ng Air21 ngunit ilang mga sources ang  nagsabing isa si Bonbon Custodio sa mga manlalarong pakakawalan na ng Express. (James Ty III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top