Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Ulo ng kabit ni misis pinagulong ni mister

Ulo ng kabit ni misis pinagulong ni mister

Patay ang isang 65-anyos lalaki matapos hatawin ng taga at mapugutan ng ulo ng mister ng kanyang ‘nobya’ sa Buguey, Cagayan.

Humiwalay ang ulo sa katawan ng biktimang si Dionisio Barbasa, ng Brgy. Simbaluca, Santa Teresita, Cagayan, matapos tagain sa leeg ng suspek na si Benito Taba-ngay, ng Brgy. Fula Buguey, Cagayan.

Sa ulat ng pulisya, nagpahatid sa biktima ang misis ng suspek na si Glowen Tabangay sa kanilang bahay para dalhan ng pagkain ang mga anak.

Pagdating sa bahay ay naroroon pala ang suspek at inaabangan ang biktima kaya nang makita ay hinalihaw  na ito ng taga.

Nabatid na naghiwalay ang suspek at misis nito nang dumating sa buhay ng babae ang biktima.        (Beth Julian)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top