Thursday , April 25 2024

Toni, bilib sa kakayahan ni JLC na magkomedya

AFTER sa pelikulang Amnesia Girl, may reunion sina Toni Gonzaga at John Lloyd, muli silang magtatambal ngayon pero hindi sa isang pelikula ulit kundi sa isang sitcom naman na Home Sweetie Home.

Unang nagkasama ang dalawa sa seryeng Maging Sino Ka Man.

Masaya siya na kasama si Lloydie. ”Sabi ko nga, akala  ko hindi ko na siya makakatambal ulit.  Akala ko first and last na namin ‘yung ‘Amnesia Girl’. First time naming nag-sitcom so, sana everyone will get to be a part of it. Sana they will enjoy,” bulalas ni Toni.

Kumusta naman si Lloydie na first time na komedyante?

“Hindi ko nga alam na kaya rin pala niyang mag-comedy. Ang alam kasi nating lahat, sa drama lang siya mahusay. ‘Pag napanood ninyo ang sitcom namin, magugulat kayo kasi kaya rin pala niyang magpatawa. May timing siya sa comedy, huh! Iba talaga si John Lloyd,” sey ni Toni.

‘Yun na!

Diego, walang ka-PR-PR

SAKSI kami na daig ni Kiko Estrada si Diego Loyzaga pagdating sa PR. Wala talagang PR kung isalarawan ng ilang entertainment press si Diego. Parang tuod lang siya ‘pag nasasalubong ng press kompara kay Kiko na bumabati.H indi namana ni Diego ang magandang PR ng kanyang amang si Cesar Montano.

Sana ay turuan ni Cesar ang kanyang anak na gumaya sa kanya na sobrang PR sa press para may mangyari naman sa career niya.

‘Yun na!

Roldan Castro

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *