Wednesday , September 24 2025

Resignation ni Petilla tinaggihan ni PNoy

TINANGGIHAN ni Pa-ngulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw ni Energy Secretary Jericho Petilla, na gustong lisanin ang kanyang puwesto bunsod ng kabiguang makamit ang target na ibalik ang koryente sa lahat ng lugar na sinalanta ng super typhoon  Yolanda  noong Disyembre 24.

Ito ang naging pasya ng Pangulo kahapon matapos makipagpulong kay Petilla sa Palasyo, batay sa pahayag ni Pre-sidential Spokesman Edwin Lacierda.

Aniya, kinikilala ng Punong  Ehekutibo  ang realidad na aabot sa tatlo hanggang anim na buwan maibabalik ang koryente sa mga sentrong bayan, lalo na’t napakalawak ng pinsala ni Yolanda, nasira ang koneksiyon ng Luzon-Visayas, gayondin ang malalaking geothermal plant sa Leyte, pati na ang generation, transmission at distribution lines.

“In the face of these challenges, the accomplishments of Secretary Petilla speaks for itself: First, from his original target of six months he was able to restore power in roughly 40 days. Second, within that period, Secretary  Petilla was able to energize 317 out of 320 affected towns, leaving 0.93% still to accomplish,” ani Lacierda.

Dagdag pa niya, napakahusay ng nagawa ni Petilla at maging ang fo-reign observers ay nakita kung paano ang pagta-tarabho sa Visayas kom-para sa ibang bansa na tinamaan ng mas mahinang kalamidad, lalo na ang mabilis na pagkumpuni at rehabilitasyon ng mga energy infrastracture.

“For all these reasons, the President, in rejecting Secretary Petilla’s offer to resign, reiterated that he has no intention of losing the services of an honorable public servant,” giit ni Lacierda.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …