Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagpapa-sexy ni KC, ‘di planado

Pagpapa-sexy ni KC, ‘di planado

Sharon Cuneta was 19 when she gave birth to KC Concepcion so, kahit paano ay may generation gap pa rin sila.

Aminado si KC na, ”turning point sa buhay na we grew up together.”

“May times na ‘yung generation gap namin minsan magkalapit, minsan malayo na, hindi na the same generation talaga so, mayroong times na hindi talaga kami nagkakaintindihan. Pero I think it’s normal sa mag-nanay,” paliwanag ni KC sa presscon ng Shoot To Kill: Boy Goldenstarring Laguna Governor ER Ejercito.

Now that it’s Christmas ay maraming wishes si KC para sa kanyang mother dear.

“Ang wish ko sa kanya ay sana maging successful ang teleserye niya, magkaroon siya ng projects na ikaka-inspire niya kasi love na love niya ang magtrabaho. Para siyang magkakasakit kapag hindi nag-work,” sabi niya.

Nagpaseksi si KC sa Boy Golden as the leading lady of Gov. ER.

Hindi planado ang pagpapaseksi ng dalaga.

“Kung ganoon ang plano form the start siguro po ay nag-change path na ako, pero hindi, eh, nagsimula ako sa wholesome, sa love stories. Parang dumating lang ‘yung sexy roles,” esplika niya.

“Mas free ang ideas ko, hindi siya masyadong nasa safe zone. Hindi naman planado ito, parang dumating na lang ang ganoong project at nagkataon na interested ako,” dagdag pa niya.
Alex Brosas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top