Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / La Greta, sinisira ang sarili

La Greta, sinisira ang sarili

WE feel na nag-self destruct si Gretchen Barretto sa ginawa niyang pagbubugar na gusto siyang patayin ng kanyang ama.

In one interview ay sinabi niyang babarilin siya at ang kanyang kapatid kapag tumestigo sila laban kay Claudine Barretto.

Matapang ang pahayag ni La Greta pero nagpapakita ito ng kanyang kahinaan bilang babae.

While she may come out as a very brave woman, sa isang banda ay makikita mong DESPERADA siya na makaganti sa kanyang pamilya. At makikita mo rin ang kawalan niya ng MODO sa kanyang amang nagpalaki sa kanya.

Dahil sa kanyang sinabi ay sirang-sira si La Greta. Sinira niya ang kanyang sarili. Who will trust this woman who will stop at nothing just to destroy her parents that gave her life?

Kung nagagawa ni Gretchen na taray-tarayan ang kanyang ama’t ina, hindi malayong gawin din niya ito sa mga taong hindi naman niya kaano-ano.

Ang dami ngang nagalit nang husto kay Gretchen dahil sa kanyang revelation. At hindi sila naniniwalang capable ang father ni La Greta na magbanta ng ganoon lalo pa’t may edad na ito.

Alex Brosas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top