Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sen. Lacson, nakitutok sa post production ng 10,000 Hours

Sen. Lacson, nakitutok sa post production ng 10,000 Hours

ACTION-drama ang pelikulang 10,000 Hours ni Robin  Padilla ng N2 Productions, Philippine Film Studios, Inc.  Kalahok ito sa darating na 39th Metro Manila Film Festival this December 25. Ito’y inspired sa true stories ng dating Senador na si Panfilo Lacson.

Kuwento nga ng action superstar, sa post production nila, nakatutok ang butihing Senator kasama si Direk Joyce Bernal. Naniniwala kasi sila sa misyon ng pelikula.

“Katunayan, ngayong nahirang si Senator sa isang magandang posisyon. Hindi na namin siya pipilitin sumali pa o istorbuhin. Ipakikiusap na lang namin kung paano niya binantayan sa umpisa sana hanggang sa showing ng pelikula ay bantayan pa rin niya. Wala na kaming hihilingin pa maliban doon. Naniniwala kami na itong pelikula ay makapagbibigay-aral, entertainment sa bawat Filipino.

“Isang rebolusyon ang tingin namin sa lahat ng bagay. Hindi lang sa politika kung hindi sa Pelikulang Filipino dahil umuusbong na ang mga batang producer na ang lilikot ng isip.

“Hindi sila takot na malugi, ang gusto nila gumawa ng makabuluhang pelikula. At sana matuto ang mahal nating kababayan na entertainment at maganda,” banat ni Robin.

Hindi ako nang-iiwan ng kaibigan! — Robin

Hindi maiiwasang ma buksan uli ang issue tungkol kina Robin at Governor ER Ejercito dahil kay Mother Betchay na manager ng action superstar.  Paliwanag niya, “Magkakaibigan kami,magkaka-batch kami. Kami’y magkakasama sa Viva, noong nag-away sina ER at Betchay. Masyado akong naapektuhan noon. Ako na nga ang nagsakrapisyo niyon. Sabi ko, huwag na nating ipalabas ang ‘Mr. Wong’. Ibigay mo na ‘yan kay ER. ‘Yun ‘yung sinasabi ko, ang babaw naman talaga. Mag-aaway ba kaming magkaibigan? Hindi kami nag-away, kabaklaan naman‘yun.  Nagkita kami noon sa awards night, okay kami.”

Kahit magkaibigan, pilit na iniintriga ang samahan nina Robin at Gov. ER. Sila raw dalawa ang maglalaban for Best Actor sa darating na MMFF. Say ni Idol, “Sa kanya na kung gusto niya. Ako sa kaibigan, hindi mo ako  masusukat pagdating sa kaibigan, hindi ako nang-iiwan. Huwag mo  lang akong aagawan ng asawa, mag-aaway tayo. Noon pa man ganyan na ako, wala akong itinatago.”

Mariel, ayaw pagtrabahuhin ni Robin

Binigyang linaw ni Robin na siya pala ang may kagustuhang huwag munang magtrabaho si Mariel Rodriguez kahit may offers ito sa iba’t ibang network. ”Hindi ako sana’y na wala si Mariel. Pagbukas pa lang ng mga mata ko, siya ‘yung una kong masisilayan. Hindi puwedeng gawin ‘yun ng iba, ‘yung damit na isusuot ko, pagkain ko. Siya lahat ang nag-aasikaso. Pinakiusapan ko siya, isang taon pa na huwag muna siyang magtrabaho.”

Napag-usapan din kung may planong mag-anak na sina Robin at Mariel. Hindi pa raw sila handang magka-baby sa ngayondahil ini-enjoy pa nila ang buhay mag-asawa.

“Hindi pa siguro ngayon, huwag muna kasi magugulo lahat ang sitwasyon. Okay kami sa set-up ngayon, maganda ‘yung set-up namin. Mayroon kaming harmony, may space kami sa isa’t isa. Baka mahaluan ng bago, magkagulo. Sa rami ng anak ko, ako ang baby damulag.”

Hiling ni Robin kay Direk Leo, magkaisa tayo

Hindi maganda  ang naging dating kay Robin ang sinabi ni Leo Martinez na gusto nitong magka-award sa MMFF.

“Dapat lang naman, ang problema natin sa Pilipinas, maraming madaldal. Kung gusto mong magsalita, huwag sa oras na tayo’y nagkakaisa. Ito na nga, mag-so-showing na tayo, ngayon pa ba tayo mag-aaway-away? Ang pakiusap ko kay Direk, kung gusto niyang magsalita, pagkatapos ng festival. Ngayon magso-showing na tayo, dapat magkaisa tayo. Suportahan natin ang Metro Manila Film Festival.

“‘Yun lang naman ang ibig kong sabihin at ako, paano naman ako magsasalita na papaburan ko siya. Ngayon lang ako nakakita ng festival na may independent. Kaya nga ako nakapasok dahil nakapasok ang independent producer. Sa matagal na panahon, ang naghahari  sa MMFF ay ang ABS-CBN, Regal Films, Viva Films. Ngayon bago natin tingnan ‘yung pangit, tignan naman natin ‘yung maganda naman. Sasamahan ko pa siya pagkatapos,” pahayag pa ng action superstar Robin.

Eddie Littlefield

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top