Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Pasay Chief of Police napalitan na naman!

Pasay Chief of Police napalitan na naman!

00 Bulabugin JSY

IBA na naman pala ang CHIEF OF POLICE ng Pasay City ngayon.

Si Supt. Florencio Ortilla na ang napili umano ng Office of the Mayor.

Mabilis lang pala ang naging tour of duty ni Supt. Mitchel Filart … hindi man lang uminit ang kanyang puwet sa kinauupuan.

Hmmmnnn … bakit kaya?

Ansabe … ganyan daw sila sa PASAY. Kapag hindi kasundo ng KAMAGANAK INC., t’yak hindi ka magtatagal.

Obligado ka raw sumistema sa bulok na kalakaran d’yan. ‘E ilang COP na ba nalaglag d’yan!?

S’yempre, aangal ang KAMAGANAK INC., kay alias ‘Tony boy’ kapag hindi ka nakisama sa kanila.

Hindi kaya nagreklamo ang KAMAGANAK Inc., kaya agad pinalitan si KERNEL FILART?

Unsolicited advice lang, KERNEL ORTILLA, baka makakasalubong mo ang KAMAGANAK Inc., MAGMANO ka agad para hindi ka mapag-initan hehehe …

‘Yan naman ay kung kaya mong sikmurain ang mga asta, hilatsa at sistema nila.

D’yan daw sa PASAY CITY, kailangan kang SUMISTEMA sa KAMAGANAK INC., dahil kung hindi t’yak sasapitin mo rin ang kapalaran ni Supt. Nap Cuaton at  Kernel Filart.

Reliable TIP ‘yan, KERNEL ORTILLA!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top