Thursday , March 28 2024

Magdiwang nang may kabuluhan ngayong Pasko

00 Bulabugin JSY
MUKHANG bago matapos ang 2013 ‘e isang malaking eskandalo pa ang sasabog …

Ito naman ay personal na palagay lang natin, dahil sa mga nakikita at nababasa natin sa social network at sa mga pahayagang malalaki.

Naniniwala ako na mayroong ilang ‘UTAK’ at ‘PWERSA’ na nagtutulak sa mga pangyayaring ‘yan.

Kung sino sila, sisikapin nating ‘ABUTIN’ sa mga susunod na araw. Palagay ko’y aabutin na ng 2014.

PANSAMANTALA, gusto ko pong hilingin sa inyo dear readers na ipagdiwang natin ang KAPASKUHAN sa  ‘pinakamakubuluhang paraan.’

Pagkatapos ng mga sunod-sunod na kalamidad at pamemerhuwisyo ng masasamang elemento, “WE REALLY DESERVE A BREAK” sabi nga.

Kapos man sa materyal na bagay, sikapin po natin damhin ang tunay na diwa ng pagsilang ng sanggol sa Belen.

D’yan po natin mararamdaman ang TUNAY na DIWA ng PASKO.

Sana rin po ay isipin natin na mas masaya tuwing Pasko kung tayo ang magbibigay lalo na ‘yung may mga kakayanan.

Wala na pong pinakamasayang pakiramdam kundi ‘yung napasaya natin ang isa o ilang tao dahil sa mga mumunting bagay na ating nagawa.

At sa mga dati kong kaibigan at mga taong hindi natutuwa sa atin ay ipagdarasal ko pa rin kayo.

Ipagdarasal ko na sana’y mawala na ang sumasanib sa inyong masamang espirito …

Hik hik hik

Anyway, uulitin ko po, ISANG MAKABULUHANG PASKO sa ating lahat!

PASAY CHIEF OF POLICE NAPALITAN NA NAMAN!

IBA na naman pala ang CHIEF OF POLICE ng Pasay City ngayon.

Si Supt. Florencio Ortilla na ang napili umano ng Office of the Mayor.

Mabilis lang pala ang naging tour of duty ni Supt. Mitchel Filart … hindi man lang uminit ang kanyang puwet sa kinauupuan.

Hmmmnnn … bakit kaya?

Ansabe … ganyan daw sila sa PASAY. Kapag hindi kasundo ng KAMAGANAK INC., t’yak hindi ka magtatagal.

Obligado ka raw sumistema sa bulok na kalakaran d’yan. ‘E ilang COP na ba nalaglag d’yan!?

S’yempre, aangal ang KAMAGANAK INC., kay alias ‘Tony boy’ kapag hindi ka nakisama sa kanila.

Hindi kaya nagreklamo ang KAMAGANAK Inc., kaya agad pinalitan si KERNEL FILART?

Unsolicited advice lang, KERNEL ORTILLA, baka makakasalubong mo ang KAMAGANAK Inc., MAGMANO ka agad para hindi ka mapag-initan hehehe …

‘Yan naman ay kung kaya mong sikmurain ang mga asta, hilatsa at sistema nila.

D’yan daw sa PASAY CITY, kailangan kang SUMISTEMA sa KAMAGANAK INC., dahil kung hindi t’yak sasapitin mo rin ang kapalaran ni Supt. Nap Cuaton at  Kernel Filart.

Reliable TIP ‘yan, KERNEL ORTILLA!

Rene Okampo x-pulis Maynila at Toto Lakson berdugo ng 1602 sa Pasay at SPD!

MALAPIT na raw SUMUKO ang ilang bagong BANGKA ng 1602 sa PASAY CITY.

Kauumpisa pa lang umano ng bagong Bangka ‘e bigla nang nangawala ang kanyang mga KABO.

Agad daw nasulot ni alias TOTO LAKSON at R.R. a.k.a. RENE OKAMPO dating lespu sa Maynila.

Bukod d’yan, lagi pang hinuhuli ng mga taga-NCRPO-RPIOU ng Bicutan ang ibang player ng 1602.

Habang  nagta-TASK FORCE raw ang RPIOU ay panay naman ang salikwat ni OKAMPO at panay ang PITAS sa kobransa ng LOTTENG sa Southern Police District area.

Ang kupit ‘este’ lupit naman!

No wonder daw kung bakit piling-pili ang mga 1602 operator sa metro Manila.

Sa Maynila na lang, ratsada pa rin ang bookies, lotteng, bol-alai ni BOY ABANG, EDNA at pulis PAKNOY!

Sonabagan!!!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Bernard Kaibigan Palawan

Pamilyang Pinoy protektado sa Palawan ProtekTODO

BATAY sa datos ng Philippine Insurance Commission, nananatiling mababa sa 1.75 porsiyento ang bilang ng …

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Marian Rivera My Guardian Alien

Marian sa alien—parang ang sarap niyang maging kaibigan

RATED Rni Rommel Gonzales NATANONG ang Kapuso Primetime Queen, Marian Rivera kung naniniwala ba siya na totoong …

Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle Cant Buy Me Love

Serye ng DonBelle laging nasa Top 10 sa Netflix

AYON sa lead stars ng top-rating series na Can’t Buy Me Love na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, mas …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *