Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Magdiwang nang may kabuluhan ngayong Pasko

Magdiwang nang may kabuluhan ngayong Pasko

00 Bulabugin JSY

MUKHANG bago matapos ang 2013 ‘e isang malaking eskandalo pa ang sasabog …

Ito naman ay personal na palagay lang natin, dahil sa mga nakikita at nababasa natin sa social network at sa mga pahayagang malalaki.

Naniniwala ako na mayroong ilang ‘UTAK’ at ‘PWERSA’ na nagtutulak sa mga pangyayaring ‘yan.

Kung sino sila, sisikapin nating ‘ABUTIN’ sa mga susunod na araw. Palagay ko’y aabutin na ng 2014.

PANSAMANTALA, gusto ko pong hilingin sa inyo dear readers na ipagdiwang natin ang KAPASKUHAN sa  ‘pinakamakubuluhang paraan.’

Pagkatapos ng mga sunod-sunod na kalamidad at pamemerhuwisyo ng masasamang elemento, “WE REALLY DESERVE A BREAK” sabi nga.

Kapos man sa materyal na bagay, sikapin po natin damhin ang tunay na diwa ng pagsilang ng sanggol sa Belen.

D’yan po natin mararamdaman ang TUNAY na DIWA ng PASKO.

Sana rin po ay isipin natin na mas masaya tuwing Pasko kung tayo ang magbibigay lalo na ‘yung may mga kakayanan.

Wala na pong pinakamasayang pakiramdam kundi ‘yung napasaya natin ang isa o ilang tao dahil sa mga mumunting bagay na ating nagawa.

At sa mga dati kong kaibigan at mga taong hindi natutuwa sa atin ay ipagdarasal ko pa rin kayo.

Ipagdarasal ko na sana’y mawala na ang sumasanib sa inyong masamang espirito …

Hik hik hik

Anyway, uulitin ko po, ISANG MAKABULUHANG PASKO sa ating lahat!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top