Sunday , November 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 54 sugatan sa S. Leyte road mishap

54 sugatan sa S. Leyte road mishap

SASAMPAHAN ng mga awtoridad ng patong-patong na kaso ang driver ng Clemente bus matapos masangkot sa aksidente na ikinasugat ng 54 pasahero.

Sa ulat mula sa Pintuyan, Southern Leyte police office, nangyari ang aksidente sa bulubundu-king bahagi ng Brgy. So-n-ok sa nasabing bayan.

Sinasabing nagkaroon ng problema sa preno ang bus na may plate number na HVN 370 kaya sumalpok ito sa puno.

Siyam sa mga biktima ay nagkaroon nang matinding pinsala.

Boluntaryo naman sumuko ang driver na si Christian Abarca.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple injuries si Abarca.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top