Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2013 Miss International Bea Rose Santiago nasa bansa na

2013 Miss International Bea Rose Santiago nasa bansa na

Nakabalik na sa bansa ang Miss International 2013 Bea Rose Santiago.

Dakong 10:30 Sabado ng gabi, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong sinakyan ng 23-anyos na beauty queen mula Japan.

Matatandaang sa Japan kinoronahan si Santiago at naging ikalimang Pinay na nakasungkit ng titulo matapos ang kanyang talumpati tungkol sa pagtulong sa mga sinalanta ng Bagyong Yolanda.

Sinalubong ang beauty queen ni Binibining Pilipinas Charities Inc., Chairperson Stella Marquez-Araneta.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Santiago na bibisita siya sa mga lugar na hinagupit ng bagyo upang personal na kumustahin ang kalagayan ng mga kababayang naging inspirasyon niya sa international pageant.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top