Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Tumatakbo at lumilipad sa dream

Tumatakbo at lumilipad sa dream

Gud pm po senor,

Anu po kya ibig sbhin ng panaginip q na tumtkbo dw ako, taz nakakalipad dn dw ako s akng pnaginip… pki nterpret nman po,  wait ko ito s hataw, slamat, im monet, fr. bacoor, don’t post my cp # plz…

To Monet,

Ang panaginip mo na tumatakbo ka ay nagsasaad ng pag-iwas mo sa ilang isyu, hindi mo tinatanggap ang anumang responsibilidad sa mga bagay na nagawa mo. Sa kaso mo, maaaring ito ay may kaugnayan sa hindi mo pagharap sa mga bagay na kinatatakutan mo. May pagkakataon na nakadarama ka ng kawalan ng pag-asa. Gawin mong produktibo ang iyong buhay, ang mga negatibong bagay sa iyo ay baligtarin at gawing positibo.

Ang paglipad mo sa iyong panaginip ay may kaugnayan sa sense of freedom na kung saan noong una ay inaakala mong wala kang kalayaaan o kaya naman ay limitado lamang ito. Dapat pahalagahan at ingatan ang mga magagandang kapalaran na dumarating sa iyo, upang hindi makalagpas sa iyo ang grasya at huwag masa-yang ang oportunidad na abot kamay mo na. I-pagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga, upang ang inaasam mong tagumpay ay makamit at magkaroon ng katuparan.

Señor H.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top