Wednesday , September 24 2025

SBP humiling sa UAAP, NCAA

MAKIKIPAG-USAP  ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa NCAA at UAAP para  ayusin ang iskedyul ng high school basketbal sa susunod na taon upang  makapaglaro ang mga batang kasama sa RP Youth Team na sasabak sa FIBA Under-17 World Championship sa Dubai sa susunod na taon.

Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios na may una na silang pag-uusap  ng  mga kinatawan ng dalawang liga tungkol sa bagay na ito at inaasahang tatalakayin ito ng kani-kanilang mga lupon pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon.

“We tackled it at the board level, so hindi lang ito basta discussions between Boss MVP (Manuel V. Pangilinan) and me,” wika ni Barrios sa panayam ng www.interaktv.ph. “We brought it to the board and we also asked their approval. Everybody was supportive of the idea to propose to the UAAP and NCAA to have their high school basketball games be moved to the second semester.”

Nakuha ng Pilipinas ang karapatang sumali sa World Championship pagkatapos na nasungkit nito ang ikalawang puwesto sa FIBA Asia Under-16 Championship noong Oktubre.

Positibo ang dating komisyuner ng PBA na sasang-ayon ang dalawang liga sa hiling ng SBP.

“Because this is the World Championship level, I believe everyone will be supportive of the idea to avoid conflict in the national team’s participation. Magiging katawa-tawa naman tayo if hindi natin maipapadala yung best high school players natin dito,” ani Barrios.

(James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MPVA Pasay Lady Voyagers

MPVA Season 2: Pasay Lady Voyagers, bagito pero wagi sa opening game

SINIMULAN ng baguhang Pasay Lady Voyagers, na binubuo ng mga miyembro ng Philippine Air Force …

Cayetano Bryan Bagunas Alas Pilipinas FIBV

Cayetano pinuri ang Alas Pilipinas sa pag-akyat sa ika-19 puwesto sa FIVB world championship

PINURI ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang men’s volleyball team ng Pilipinas, ang …

FIBV Poland Canada

FIVB Volleyball Men’s World Championship
Poland tinalo ang Canada para umusad sa quarterfinals

UMARANGKADA ang Poland patungo sa susunod na round sa pagpapatuloy ng kanilang “redemption tour” Ipinakita …

Tats Suzara Pato Gregorio PSC PNVF Alas Pilipinas

Alas Pilipinas, Nagbigay ng Karangalan sa Bansa, Humahanga ang Mundo

NAGBIGAY ng hamon si Ramon “Tats” Suzara, pangulo ng Philippine National Volleyball Federation, sa mga …

Alas Pilipinas FIBV

Alas Pilipinas, inukit ang pamana ng puso sa kabila ng pagkatalo

NAGTAPOS ang kwento ng Alas Pilipinas sa kauna-unahan nitong paglahok sa World Championship nitong Huwebes …