Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Natapos mo na ang pag-oorganisa at pagpaplano. Magtiwala sa sarili na matatapos mo ang proyekto.

Taurus  (May 13-June 21) Mayroong mahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin bago bumaling sa ibang aktibidad.

Gemini  (June 21-July 20) Sikaping makontrol ang emosyon. Maaaring sumiklab ang i-yong galit na posibleng makaapekto sa iba.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Hindi mo res-ponsibilidad na pasayahin ang lahat ng mga tao. Huwag oobligahin ang sarili sa hindi mo naman tungkulin.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Marami kang matatapos na mga gawain ngayon kaya maaari kang gumimik dakong gabi.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Panatilihin munang maayos ang sarili bago sumangkot sa drama ng iba.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Ikaw ay magiging agresibo ngayon, ngunit ito ay maaaring maka-tulong sa iyong isinusulong.

Scorpio  (Nov. 23-29) Maaaring magkaroon ng emotional tension ngayon.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Hindi ka mag-aatubili ngayon sa pagharap sa sino man. Sapat ang iyong kompyansa sa sarili.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Sikaping pigilan ang iyong bibig ngayon. Bagama’t batid mo ang lahat ng mga kasagutan, maaaring mairita naman ang iba.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Huwag magtataka kung mistula kang itinutulak sa pagkilos nga-yon. May aggressive energy na nagsusulong sa iyo.

Pisces  (March 11-April 18) Isipin mo kung paano pa mapakikinabangan ang iyong talento. Huwag itong sayangin.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Manatiling nakatapak sa lupa ang iyong mga paa bagama’t naka-aangat ka sa iba.

Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top