Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Volleyball team naghubo para makaakit ng fans

Volleyball team naghubo para makaakit ng fans

NAGHUBO ang naghihinga-  long volleyball team sa promotional ‘Full Monty’ vi-deo upang mahikayat ang mga taga-hanga na manood ng kanilang laro.

Mapapanood sa black and white film ang hubo’t hubad na team players habang naglalakad sa harap ng camera at natatakpan lamang ng cards ang kanilang ari habang pinatutugtog bilang soundtrack ang Benny Hill music.

Habang nakapila ang Volejbal Brno players mula sa Brno sa Czech Republic at hawak ang cards na nagbabaybay ng: “Hi. Come on 14.12 at 16.00 and look at this show.”

Sinabi ni Team captain Vlado Katona: “After a training session we felt really positive that we would win and pumped up so we decided to entice our female fans with our own volley balls.”

Ayon naman kay Coach Martin Gerza: “The lads decided to attract more attention. I like that they can pull together and do things like this.

“It’s not offensive and is a great marketing move by the guys.”

At naging epektibo naman ang kanilang gimik dahil maraming fans ang nanood ng laban, at marami rin ang nag-like nito sa Facebook.

Ayon sa isinulat ng isang fan na si Zuzana Tresnakova: “If your jerseys are the same as in the video I’ll be there:-D.”

Isinulat naman ni Eva Mrhalkova: “This is probably the best advertising I’ve seen:-D:-D.”

Natutuwa namang isinulat ng blonde  na si Anricka Navratilova: “absolutely unbeatable invitation! :D.”

Ngunit sa kabila ng biglang pag-angat ng kanilang popularidad, natalo ang team sa kalaban nilang team Ostrava.

“We got the fans back, now we just need to start winning,” pahayag ni captain Katona, “We don’t mind being the underdogs. It gives us something to chase after.”

(ORANGE QUIRKY NEWS)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top