Thursday , November 13 2025

Sakay sa malaking barko sa dream

Gud pm po senor,

Ung drims ko daw ay nakasakay sa malaking barko, mdlas ko ito mapanginip, dahil kya naktira kmi malpit s pantalan o gsto kong magbyahe? Wait ko ang inyong ksagutan ha, ellen ng NE, tnx senor.  (0908323932)

To Ellen,

Ang panaginip mo ay nagre-represent ng i-yong unconscious mind at ng iyong transition sa pagitan ng unconscious at conscious mind. Kadalasan din na nagpapahayag ito ng iyong emosyon o maaari rin namang nagsasabi na may mga bagay na dapat kang makita nang mas malalim at mas malinaw. Sa kabilang banda, nagbibigay din ito ng bagong pag-asa, bagong perspektibo at positibong pananaw sa buhay kahit gaano pa kahirap ang mga pinagdadaanang problema sa kasalukuyan.  May kinalaman din ito sa pag-e-explore mo ng mga aspeto ng iyong damdamin, depende na rin sa kalagayan ng barko sa panaginip mo.  Kung ito ay cruise ship, ito’y nagsasaad ng pleasant moods. Kung ito naman ay warship, ikaw ay maaaring makaranas ng fee-lings of aggression. Maaari kang makapag-abroad, base sa pagsisikap at pagpupursige mo.  Kung determinado ka, malinis ang iyong hangarin at kalooban, at pinaghirapan mong makamit ang iyong mga pangarap sa buhay, ano mang bagay na karapat-dapat para sa iyo ay makakam-tan mo. Ang ganitong uri ng panaginip ay simbolo rin ng iyong unconscious at emosyonal na kalagayan ng pag-iisip.

Maaaring may kinalaman ang pagiging mala-pit sa tahanan ninyo ng pantalan, kaya madalas kang makakita ng barko kaya ganito ang tema ng panaginip mo. Posible rin na may koneksiyon ito sa kagustuhang makapagbiyahe.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NUSTAR Online Whisky Live Manila event

NUSTAR Online nakibahagi sa Whisky Live Manila event 

DALAWANG araw ipinagdiriwang ang mga kaganapan sa Whisky Live Manila noong Oktubre 10-11, 2025, sa Shangri-La The …

PNP Nartatez

Nartatez tumutok sa mga operasyon paglipas ng bagyo

MABILIS na tinutukan ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang …

SM DICT Feat

SM Supermalls and DICT launched Digital Corners in SM Job Fairs
Empowering job seekers and SHS learners through digital upskilling

Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda and SM Supermalls VP for …

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …