Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Pink tumanggi sa alok na US$75k

Pink tumanggi sa alok na US$75k

TINANGGIHAN umano ng pop star na si Pink ang US$75,000-dollar ‘meet-and-greets’ na alok ng isang real estate mogul sa kanyang pagtatang-hal sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.

Ayon sa PageSix, tumanggi si Pink na magpakuha ng mga larawan at makipag-‘meet-and-greet’ siya sa backstage sa mayamang negos-yante na nasa front row ng kanyang show.

Sa halip, sinabi umano ng singer: “I don’t do meet-and-greets.”

Sa kasalukuyan ay isinagawa ng Just Give Me A Reason hitmaker ang kanyang ‘The Truth About Love Tour’ at magpapatuloy siya sa iba pang bahagi ng Estados Unidos matapos ang Birmingham, Alabama bago magtuloy sa Canada sa Enero sa susunod na taon.

Ang kanyang final show ay gagawin sa Ene-ro 20 sa Salt Lake City, Utah.

Kamakailan ay nagpahayag ng tuwa si Pink sa kasiyahan ng kanyang tour kasama ang kanyang dalawang-taon-gulang na anak na si Willow.

“Ang kanyang bokabularyo ay ‘venue,’ ‘catering,’ ‘airplane.’ Nakatutuwa talaga . . . Ang dressing room ay silid ngayon ng anak ko,” pahayag niya kay US talk show host Ellen DeGeneres.

Kinalap ni Sandra Halina

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top