Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Martin, naging maingat sa pakikipag-sex (Mula nang gampanan ang pagiging HIV positive)

Martin, naging maingat sa pakikipag-sex (Mula nang gampanan ang pagiging HIV positive)

SIMULA nang mapasakamay ang role bilang isang HIV Positive sa inaabangan at tinututukang soap ng TV5 na Positive na napapanood tuwing Thursday, 9:00 p.m., mas marami raw natutuhan ang mahusay na actor na si Martin Escudero tungkol sa sex.

Sa kanyang pinagbibidang soap nalaman ni Martin ang kahalagahan ng safe sex at kung paano nagkakaroon ng   HIV. Very honest nga ito sa pagsasabing mas naging maingat na siya pagdating sa pakikipagtalik dahil sa isang iglap, maaari kang dapuan ng HIV lalo kapag ‘di mo kilala ang babaeng naka-one night stand mo.

Kahit nga raw ang mga kaibigan niya ay sinasabihan niya na maging maingat sa pakikipag-sex  at ibinabahagi niya ang kaalaman tungkol sa HIV. Sa rami raw kasi ng mga nakausap niya na HIV Positive na may kanya-kanyang kuwento, marami na siyang natutuhan.

Dagdag pa ni Martin, mas maganda raw na i-practice ng lahat  ang safe sex at mas maganda kung ang makakatalik ay iisang tao lang at hindi pa- iba-iba.

john Fontanilla

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top