Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / KTV bar niratrat kumakanta todas, 2 pa sugatan

KTV bar niratrat kumakanta todas, 2 pa sugatan

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang kumakanta at dalawa pa ang sugatan sa insidenteng naganap sa videoke bar sa Consolacion, Cebu.

Ayon sa ulat ng pulisya, bigla na lamang pinaulanan ng bala ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo ang KTV bar.

Tinamaan sa dibdib at namatay ang 24-anyos na si Chris Almaden na kumakanta nang maganap ang pamamaril. Sa balikat at likod naman ang tama ng dalawang nasugatan.

Hinala ng mga kaanak ng namatay, posibleng nadamay lang at hindi si Almaden ang target ng mga suspek.

Ganito rin ang paniwala ng pulisya matapos lumitaw sa kanilang imbestigasyon na ang dalawang nasugatan ay miyembro ng isang fraternity na nasangkot sa gang war sa lugar.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top