Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Kakaibang Christmas card ni Howard Stern

Kakaibang Christmas card ni Howard Stern

PANGKARANI-WAN ang magpadala ng tradisyonal na mga Christmas card sa lahat ng miyembro ng pamil-ya at maging mga kaibigan ngayong panahon ng Kapaskuhan, dangan nga lang kung ikaw ay si Howard Stern.

Masasabing ang sikat na ‘shock jock’ ang siyang mayroong pinakapambihirang Christmas card nga-yong 2013! Nakasuot ng full-on drag, ang sikat na hurado ng ‘America’s Got Talent’  ay ma-kikita sa harapan ng kanyang idinisenyong card na nakaupo sa kan-dungan ni Santa Claus, na sa katunayan naman ay ang kanyang misis na si Beth, na naka-costume naman bilang si Old St. Nick.

Habang ito na marahil ang isa sa pinaka-eccentric na Christmas card na aming nakita, lumilitaw na talagang binuhusan ng panahon ng mag-asawang Stern ang pagdebuho ng kanilang holiday card. Noong 2012, nagpadala sila ng greeting card habang si Beth ay namamahagi ng cookies sa maraming pusa, na ang lahat ay nakaadorno ng kulay Pasko.

Kinalap ni Sandra Halina

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top