Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / ‘Di po ako desperadong magka-BF — KC

‘Di po ako desperadong magka-BF — KC

HINDI naiwasang hindi sagutin ni KC Concepcion ang mga tanong tungkol sa mga lalaking nali-link sa kanya tulad nina Luis Manzano, Phil Younghusband, at Paulo Avelino sa ginanap na presscon ng Shoot To Kill:  Boy Golden mula sa Viva Films at Scenema Concept Internationalnoong Martes.

Bagamat nali-link siya ay tahasan niyang inaming wala siyang boyfriend ngayon.

“Matagal na rin po akong hindi nakakapag-commit ulit, so I’ll be very happy to being in a relationship, pero hindi naman po ako ‘yung tipo ng girl na desperadong magkaroon ng partner or anything.

“But I’m, siguro alam n’yo po ‘yung usually nangyayari sa relationship parang ‘yung lalaki ang napi-pressure sa babae kasi gusto ng mag-commit ng babae.

“‘Yung nangyayari po sa akin ngayon parang baliktad, ako po ‘yung parang napi-pressure kasi ako po ‘yung hindi masyadong serious sa isang relationship, pero nangyari lang po ‘yun dahil sa kahit paano sa rami ng napagdaanan ko rin, ayoko na pong masaktan ng ganoon kaya masyado po akong naging careful siguro,” pahayag ni KC.

Bagamat na-trauma sa nakaraang relasyon ay, ”naka-get over na po ako, naka-move on na ako, ‘yun lang po siguro ‘yung feeling na mas careful ako roon sa ayokong duma-dive ako kaagad,”katwiran ng dalaga.

At kina Paulo, Luis, at Phil ay inamin ni KC na, ”mayroon pong totoo at mayroon pong sobrang walang pinanggalingan (Phil).

“Kina Luis at Paulo po ako pinaka-malapit,” sabi ng dalaga.

Nakikipag-date raw si KC, pero hindi niya inamin kung sino sa dalawang nabanggit, ”ahh, very close po ako sa kanila (Paulo at Luis), pero ayoko pa pong magsalita, ayoko po gumulo, baka po masyado akong maraming marinig na opinyon, wala pa namang bumungang solid, parang ayoko po munang magsalita masyado about (them).”

At ang diskarte raw ng mga lalaki kapag niyaya siyang lumalabas ay, ”friends, diskarte ‘yan ng ibang guys, friends (friendly date) muna, ganoon.”

Ito ba ang diskarte nina Paulo at Luis, friends, ”ay hindi ko po alam, ha, ha, ha, ha” tumatawang sagot ni KC.

Between Paulo at Luis ay, ”lagi po kaming magka-text ni Luis pero lagi rin po kaming nag-uusap ni Paulo,” sagot kaagad ni KC nang tanungin kung kanino siya close.

“Wala pong serious, kinikilig ako, hayaan n’yo muna akong kiligin,” natatawang sabi ng aktres.

Sino ang mas kinakikiligan ni KC?

“Ayoko pong sagutin ‘yan,” tumatawa uling sagot ng aktres.

Sa kabilang banda ay natanong si KC tungkol sa first screen kiss niya sa isang action star na siGovernor ER at kung ano ang pagkakaiba nito sa halik ng dramatic actor tulad ni Piolo Pascual saLover’s In Paris; Sam Milby (Huwag Ka Lang Mawawala).

“’Yung pinanggalingan ng eksena siguro, panoorin n’yo na lang po ‘yung movie kasi napaka-unpredictable po ng mga nangyari. Kasi nagulat din ako, parang ay paano nangyari, every scene, nakakatawa kasi sa sobrang hindi mo nakikita ‘yung mangyayari next, ganoon,”katwiran ni KC.

Aminado ang aktres na sobra siyang kinabahan nang malaman niyang may kissing scene sila ni ER sa Shoot To Kill: Boy Golden mula sa direksyon ni Chito Rono.

“Of course (sobrang kabado), pero pinag-usap kami (ER) ni direk Chito ng maayos, pinagharap kami ni direk Chito, nag-usap-usap kami, niyong EP (executive producer), pinag-usapan namin ‘yung mga limitasyon.

“May mga limitasyon po ako (kissing scenes), parang never pa po ako nagla-love scene and siguro hindi ito ‘yung venue para sa first (love scene) na talagang lovescene ko kasi mas naka-focus siya sa action- drama, hindi naman sa mostly sa kilig factor or anything,” katwiran ng panganay ni Sharon Cuneta-Pangilinan.

Dagdag pa, ”masasabi ko po talaga na kasama ito sa growth ko bilang aktres. Siyempre, ayaw ko rin palagi ‘yung pa-tweetums o pa-cute ang ginagawa. Siyempre, babalik at babalik ako roon sa wholesome image. Pero rito kasi, napaka-astig, nae-excite akong gawin siya.”

Nabanggit din ni KC na maganda ang fight scenes nila ni Gov ER sa Shoot To Kill: Boy Goldendahil, ”yung mga fight scene namin ay astig, kasi ‘yung nagturo sa amin, ‘yung nagturo kay Angelina Jolie sa States. May mga Filipino rin na nag-supervise sa akin, nag-alaga sa akin, nagturo sa akin ng mixed martial arts.”

Hinuhulaang mananalo naman si KC ng best actress sa 39th Metro Manila Film Festival, ”kung sakali mang suwertihin at manalo nga ako ng award for this movie, napakagandang Christmas gift na ‘yun para sa akin,”  nakangiting sabi ng dalaga.

Kasama rin sa Shoot To Kill: Boy Golden sina Tonton Gutierrez, Eddie Garcia, John Estrada at marami pang iba na idinirehe ni Rono na mapapanood na sa Disyembre 25.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top