Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Tatlong gwardiya ng Dasmariñas Village ipinakulong ni Mayor Junjun?! (What are we in power for…)

Tatlong gwardiya ng Dasmariñas Village ipinakulong ni Mayor Junjun?! (What are we in power for…)

00 Bulabugin JSY

MARIING itinatanggi ng kampo ni Mayor Junjun Binay na ipinahuli nila sa mga pulis ang tatlong gwardiya at hindi nila ipinakulong.

‘E halimbawang isa kayo doon sa tatlong gwardiya, Mayor Junjun or Mr. Joey Salgado, kaya mo bang kumontra sa harap ng Mayor na may mahabang convoy para huwag sumama sa lespu?!

Sa isang banda, dapat nga magpasalamat si Mayor Junjun dahil napakaingat ng gwardiya na  baka ginagamit lang ang pangalan niya.

Alam naman n’yo siguro ang trabaho ng isang guwardiya sa isang subdivision?

O kaya naman, baka may karanasan ‘yung mga gwardiya na madalas ginagamit ng kung sino-sinong taga-Mayor’s office ang pangalan niya kaya ng mga sandaling iyon na dis-oras na ng gabi, siniguro niyang kasama talaga si Yorme.

‘E kung hindi nga naman totoo na CONVOY ni Yorme ‘yun ‘e ‘di nalintikan ang seguridad ng Dasmariñas Village?!

Ang problema, imbes papurihan ‘yung mga gwardiya ng Dasma dahil sa pagiging maingat nila, hayon ipinadala pa sa presinto.

Onli in da Pilipins lang talaga at sa MAKATI pa?!

Mr. Salgado no need to explain …

Sabi n’yo nga ‘e KITANG-KITA naman sa video?!

‘Wag kasi kayo masyadong nagpapagabi.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top