Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Baseco Compound kaya pa bang suyurin ng MPD!? (24/7 na kalakalan ng droga, patayan, 1602 at katayan….)

Baseco Compound kaya pa bang suyurin ng MPD!? (24/7 na kalakalan ng droga, patayan, 1602 at katayan….)

00 Bulabugin JSY

‘Yan ang tanong ng mga residente ng Baseco makaraang patayin ang prime witness na si Elen miranda sa pagpaslang kay Domingo A1 Ramirez ALAM coordinator leader ng Baseco chapter.

Malaking hamon sa mga tauhan ni MPD DD GEN. ISAGANI GENABE ang lugar ng BASECO na talagang lumalala ang sitwasyon ng PEACE and ORDER sa lugar.

Noong panahon ni MANILA MAYOR ALFREDO LIM ay kayang-kayang PASUKIN ng MPD lalo na ang

MANILA CITY HALL DETACHMENT o CHAPA ang nasabing lugar.

Ilan rin mga OSDO at TULAK ang tumimbuwang sa mga isinagawang operation noon ng MPD-CHAPA na pinangunahan ni Kapitan lorenzo.

‘Yan ay dahil sa UTOS ni MAYOR LIM na LINISIN ang Maynila sa lahat ng klase ng KRIMINALIDAD sa lungsod.

Tama ba ako Baseco Brgy. Chairman KRISTO HISPANO!?

Maging ang mga batang-paslit daw ngayon sa BASECO ay ALAM na alam ang kalakaran ng ILEGAL sa kanilang lugar lalo ang bentahan ng ilegal na droga.

MPD DG GANI GENABE sir, may maasahan pa ba ang mga taga-Baseco na mapatahimik ang lugar nila?

May MASAMA ‘este’ MASA nga raw ang City Hall, pero ang mas pinagkakaabalahan naman daw ay ang pagkakapitsaan!?

YORME ERAP, maniniwala lang ako sa pautot ‘este’ sinasabi mo na sisigla na ang Maynila kapag nalinis mo sa kriminalidad at napatahimik mo ang Baseco!

Sayang naman ang pera ‘este’ boto mo d’yan nitong nakaraang eleksyon!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top