Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Boy 2, tuloy-tuloy na ang pagpo-prodyus!

Boy 2, tuloy-tuloy na ang pagpo-prodyus!

HINDI man kasamang umarte sa 10,000 Hours, isa ako sa natuwa dahil seryoso na sa pagpo-prodyus ang aming kaibigang si Boy 2 Quizon. Isa nga siya sa producer ng 10,000 Hours via his N2 Productions.

Pangalawang pagpo-prodyus na nga nila ito ni Neil Arce ng pelikulang pinagbibidahan ni Robin Padilla. Ang una ay ang indi film na Coming Soon na bagamat hindi naging maganda ang returns ay marami naman daw silang natutuhan sa pagpo-prodyus ng movie.

Ayon kay Boy 2, hindi iyon kumita dahil nagkamali sila sa pagpili ng titulo dahil ang dating niyon sa tao eh, parang coming soon pa lang ang movie kahit showing na. “Tapos sa posters, lahat po kami nakatalikod, tapos, ‘coming soon’ pa ang nakalagay, tapos nakatingin kami sa ulap,” paliwanag ni Dos (tawag kay Boy 2).

Samantala, magaling na artista si Boy 2 kaya marami ang nagtataka kung bakit hindi siya parte ng 10,000 Hours. “Una, ayoko kasi ‘yung dala-dalawa ‘yung role ko. This time ‘yung unang gusto namin, makabuo ng magandang movie. Gusto kong maramdaman ‘yung makapag-focus ako sa isang bagay.

“Dahil naging artista rin ako, kailangan kong bitawan ‘yun minsan eh. You cannot do both. I’m not saying you can’t. Pero in this movie na napakalaki, gusto kong bigyan ng justification ‘yung gagawin ko and I really need to make sure na in the production needs, gusto kong maging pulido ang lahat ng bagay.

“I wanted to feel na talagang all the way. Siyempre nagkaroon kami ng mga ‘sige na sali ka na’, muntikan na. Sabi ko kay direk Joyce na next time na lang.”

Matagal na naming kilala si Dos at sa aming pagkakakilala sa actor, talagang gusto niyang ibigay ang best niya sa anumang ginagawa. Kaya hindi na kataka-taka kung i-focus muna niya ang atensiyon sa production o pagpo-prodyus.

Sinabi pa nga nito, matagal ang inilaan nilang panahon para makabuo sila ng isang napakagandang pelikula. Kaya naman buong pagmamalaki niyang sinasabi na talagang nakagawa sila ng magandang pelikula sa tulong na rin ng mga taong bumuo ng 10,000 Hours tulad nina Bb. Joyce Bernal, ang kanilang director at ang kanilang bidang si Robin.

At kung magiging masuwerte ang resulta ng 10,000 Hours, gusto ni Dos na ituloy-tuloy na ang pagpo-produce ng pelikula. Hindi lang nga naman para sa kanilang mga producer sakaling magtagumpay ang pelikula, bagkus marami rin silang matutulungan para mabigyan ng trabaho.

Pagdating naman sa showbiz career ni Dos, natutuwa naman siya dahil kasama pa rin siya sa longest gag show ng GMA7 na Bubble Gang. “I’m happy that I am part of a longest gag show. My career started in ‘Home Along da Riles’. ‘Bubble Gang’, parang hindi naman sa nagyayabang ako pero matagal na ‘yung show ko eh. So I can do something else eh,” giit pa ni Dos.

Sa kabilang banda, sinabi pa ni Dos na kahanga-hanga ang ginawang pagdidirehe ni Bb. Joyce sa 10,000 Hours dahil hindi raw mabibigo ang mga tao sa mga action scene na makikita sa pelikulang ito. Hindi man daw hitik sa sabugan ng mga sasakyan at ratratang barilan, mas higit itong makatotohanan para sumakto sa character ng opisyal na sangkot sa pelikula!

Kaya huwag ninyong kalimutang panoorin ang 10,000 Hours.

mariciris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top