Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angelica, ‘di insecure sa balitang may ibang ka-date si Lloydie (Nang maganap ang sampalan issue)

Angelica, ‘di insecure sa balitang may ibang ka-date si Lloydie (Nang maganap ang sampalan issue)

NOON pa man ay may image ang star ng Banana Split: Extra Scoop at  Banana Nite na si Angelica Panganiban na martir pagdating sa relasyon kaya naman ito nagtatagal.

Matagal din ang inabot ng relasyon nila ni Derek Ramsay at ngayon naman ay patuloy na matibay ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz kahit dumadaan sila sa maraming pagsubok at intriga. Isa pa, magkaibigan sila bago naging magsyota kaya hindi marupok ang kanilang pundasyon.

Aminado rin ang aktor ng bagong sitcom sa ABS-CBN 2 na Home Sweetie Home na mas madalas na siya ang mataas ang boses ‘pag nadadala ng bugso ng damdamin at may pinagtatalunan sila ni Angelica.

Pero kahit ang bagong isyu na may ibang ka-date umano si JLC nang maganap ang sampalan with Anne Curtis. Basta okey sila. Happy sila at sobrang at peace. Hindi nai-insecure si Angelica at apektado sa  mga naglalabasang isyu. Imposibleng maapektuhan daw si John Lloyd dahil matibay itong tao.

Annaliza, extended hanggang March!

HINDI talaga maitatanggi ang bonding ni Zanjoe Marudo sa anak niya sa Annaliza na si Andrea Brillantes. Bigla na lang nangyari, hindi plinano.

Extended na naman ang Annaliza kaya mas lalo silang naging close. Mahigit na itong six months  at balitang hanggang March ito o aabot pa ng isang taon dahil sa magandang feedback ng serye.

Naikuwento nga rin ni Bea Alonzo (girlfriend ni Zanjoe) na one week na titira si Andrea sa bahay nito sa White Plains. Ganoon na talaga kalapit ang bata sa kanila.

Naaliw pa nga kami sa kuwento ni Zanjoe nang manood silang tatlo ng  pelikulang She’s The One. Tinakpan ni Bea ang mata ni Andrea ‘pag may kissing scene ito. Si Andrea naman ay tinakpan ang mata ni Zanjoe.

Hindi kaya sabik nang magka-baby si Zanjoe kaya ganoon siya kalapit kay Andrea?

“Napakalayo naman ng… baby na agad?,” reaksiyon  niya.

Anyway, maganda ang taong ito para sa teleserye princess at ngayo’y certified award-winning child actress na si Andrea dahil sa tagumpay na inaani sa kanyang career.

Bukod sa patuloy na namamayagpag sa ratings at extended ang kanyang launching soap na Annaliza, nagwagi rin si Andrea kamakailan ng kanyang unang acting award bilang Best Child Performer sa ginanap na Star Awards for Television.

Bagamat nag-uumapaw ang mga blessing sa kanyang buhay ay nanatiling nakatapak sa lupa ang kanyang dalawang paa. Sa kanyang murang edad, mas hiling pa ni Andrea ang ikabubuti ng kapwa kaysa magpabili ng bagong laruan o magagarang damit.

“Wish ko po ngayong Pasko ay maging okey na ang lahat lalo na ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda,” sabi ni Andrea.

Nang tanungin kung paano magbabago ang Pasko niya ngayong isa na siyang ganap na child superstar, ang sagot ni Andrea ay, “Wala naman pong magbabago sa amin ngayong Pasko. Kasama ko pa rin po ang pamilya ko at mananatiling simple ang selebrasyon namin.”

Kung sa totoong buhay ay masaya ang Pasko ni Andrea, tila nanganganib naman ang Pasko ng kanyang karakter bilang Annaliza dahil sa mga sunod-sunod na pasabog na yayanig sa kanyang buhay.

Nabuko na ni Isabel (Denise Laurel) ang pagbabait-baitan ni Stella (Kaye Abad) kaya naman agad nitong pinalayas ang ahas sa kanyang pamamahay. Ngunit, hindi agad magpapatalo si Stella at sa halip ay mas itotodo pa nito ang balak na mapasakanyang muli si Lazaro (Patrick Garcia) at tuluyang mawasak ang pamilya Benedicto.

Tulad ng ina, mas titindi rin ang kasamaan ni Arlene (Kyline Alcantara) at gagawin din nito ang lahat mapabagsak lang si Annaliza.

Kasabay ng lahat ng ito ay ang pagbangon pa rin ni Guido (Zanjoe) sa pagkakadapa at ang patuloy nitong pagganap bilang ama kay Annaliza sa kabila ng lahat ng gulong nangyari sa kanyang tunay na pamilya. Pero kung akala nila si Stella ang dapat manmanan ay nagkakamali sila dahil muling bubuwelta si Makoy (Carlo Aquino) para maningil. Kikidnapin niya hindi lang sina Annaliza at Arlene, kundi pati mga kaibigan nila. Dadalhin niya ito sa isang abandonadong mansyon at ikukulong hanggang mamatay.

Katapusan na ba ito ng mga bata? Paano sila mahahanap ng kanilang pamilya? Hanggang saan kayang manlinlang ng mag-ina lao pa’t si Makoy, na siyang may hawak ng buong katotohanan, ay umaaligid lang sa kanila?  Kailan pasasabugin ni Makoy ang sikreto ni Stella? Huwag bibitiw sa makapigil-hiningang mga eksena sa Annaliza gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top