Monday , November 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Mag-ingat sa mga mandurukot sa World Trade Center

Mag-ingat sa mga mandurukot sa World Trade Center

00 Bulabugin JSY

TAON-TAON malaki ang kinikita ng World Trade Center (WTC) dahil sa Christmas Bazaar.

S’yempre dahil SOSYAL ang dating, karamihan sa mga customer d’yan sa WTC ay sure buyer.

Pero marami tayong narinig na nadedesmaya dahil marami sa kanila ang nadukutan sa loob ng WTC.

Hindi kaya ‘pakawala’ ng lespu ang mga OSDO d’yan!?

Mantakin ninyo, ang mga pumupunta d’yan ay sure buyer pero kapos na kapos sa security measures.

Walang CCTV camera for surveillance. Kulang ang security guard kaya hindi na nai-scrutinize ‘yung mga pumapasok.

Aba, baka ang susunod na mabalitaan natin ay may nalaslasan ng bag o kaya ay biglang natutukan ng balisong sa sulok.

Ano pa ang ipinagkaiba n’yan sa Divisoria?!

Paging WTC management, ang laki ng kinikita nyo sa  Christmas Bazaar kaya  i-upgrade ninyo ang SECURITY SYSTEM ninyo!

Gademet!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top