Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Guro pinatay ng pamangkin (2 biik nilason)

Guro pinatay ng pamangkin (2 biik nilason)

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang guro matapos barilin ng kanyang pamangkin dahil sa paglason ng biktima sa dalawang biik ng suspek sa Purok 5, Brgy. Legarda 3, Dinas Zamboanga del Sur.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Cayetano Igano Ferrer, 46, habang ang suspek ay si Ronald Igano Aranas, 22, isang magsasaka.

Batay sa report ng Dinas Municipal police station, bago nangyari ang pamamaril dakong 4am, pinagsabihan ng masasakit na salita ng biktima ang kanyang pamangkin.

Dahil galit ang suspek, kinuha niya ang kanyang caliber .45 pistol at binaril ang kanyang tiyuhin.

Nabatid na nagsimula ang hindi pagkakaunawaan ng suspek at ng biktima nang lasunin ng guro ang dalawang biik na pagmamay-ari ng kanyang pamangkin.

Patuloy na pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek na nakatakas pagkatapos ng krimen.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top