Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / May karapatang mairita!

May karapatang mairita!

MABAIT naman pero mukhang marami ang nang-o-olay rito kay Ms. KC Concepcion. May katwiran namang mairita ang dalaga ni Mega dahil nag-pose lang siya sa kanyang Instagram account na medyo sexy, binanatan na kaagad siyang nag-iilusyong maging Dyesebel. Hahahahahahaha! May picture lang siyang naka-Darna outfit, nilait na namang feeling Darna na raw siya. Lately, tanungin ba naman ang wala ring keber at paki sa mundong si Phil Younghusband kung balak daw bang ligawan nito si KC at sumagot naman ito sa paraang nakaiirita na si Angel Locsin lang daw ang babaeng kanyang naiisip when love is being talked about. Hahahahahahahaha! Hello! Wala naman daw kasing konek ang dalawa and as far as KC remembers, they only met once during an interview when she was still working for The Buzz (the rating one…Hahahahahahaha!). Well, bakit hindi na lang daw ang leading man niya sa Metro-Manila film festival offering na Boy Golden ang itanong sa kanya? At least si Gov. ER Ejercito ay knows niyang talaga dahil nagkasama sila nang matagal while the shooting of the movie Boy Golden was still in progress. Di ba naman? Hahahahahahahahahahaha! ‘Yun na! Speaking of the movie Boy Golden, may mga intimate scenes raw rito si KC na hindi pa niya nagagawa. Kunsabagay, with a gigantic talent fee, who would not be encouraged to do such scenes? Hahahahahahahahahahaha!

AT LEAST NAKAALALA SI ATTY. JUN NARDO!

Hahahahahahahahahahaha! How amusing! Right after we wrote about our little tampo for Governor Vilma Santos wherein we mentioned on the side our slightly wounded feeling for Mr. Jun Nardo in connection with his little misunderstanding with our colleague Joey Sarmiento, we received an invitation for the Robin Padilla filmfest entry 10,000 Hours na take-off bale sa film bio ni Senator Panfilo Lacson when he left the country to hide in some countries abroad because he was being hounded by the people who were in power before the Pnoy administration. Touching naman. At least very human ang president ng ENPRESS. He’s caring enough to make amends when he knows that his opponent happens to be in the right. Anyhow, shot on location pala ang Panfilo Lacson movie ni Binoe kaya nakasisiguro tayong hard core action movie ito lalo na’t a man of unquestioned feistiness and integrity ang ating senador.

MAY KARELASYONG POLITIKO?

Kaya raw pala hindi gaanong nag-react ang isang magandang aktres nang hiwalayan siya ng kanyang ma- daldal na papa lately ay dahil sa may K naman pala itong magalit sa kanya. May na-gather kasi kaming balita na may tagong karelasyong politician daw pala ang saksakan ng bait at walang angas na aktres at ito ang very supportive sa mga causes that are being spoused by this lovely actress of late. Oo nga naman. Ni katiting na pain o bitterness ay wala kang makikita sa mahusay na aktres lately. Baka naman napagod na ito sa kasusuporta sa pamilya ng kanyang ‘spoiled’ na papa. Hahahahahahahahahahahaha! ‘Yun na! Anyway, isang gobernador daw ang bagong karelasyon ng dati’y morena pero ngayo’y tisay nang aktres. Hahahahahahahahahahaha! ‘Yun na!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here. And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

Pete Ampoloquio, Jr.

About hataw tabloid

One comment

  1. google bring me here. Thanks!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top