Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Kelot nagkunwaring mafia boss para sa libreng croissants

Kelot nagkunwaring mafia boss para sa libreng croissants

ARESTADO ang isang Italyano makaraang magkunwaring Mafia chief sa barman upang makalibre ng drinks at croissants.

Si Ubaldo Citarella, 52, ay sinasabing ilang araw na ipinagyabang sa bartender na siya ay mafia boss mula sa Camorra clan, ayon sa ulat ng The Local newspaper.

Ilang beses na bumalik si Citarella, mula sa Battipaglia, malapit sa southern Italian city of Salerno, sa nasabing bar at kumakain ng croissants at umiinom ng kape at soft drinks.

Nag-iiwan siya ng bote ng petrolyo sa labas ng bar sa Battipaglia, kapag pinipilit na magbayad.

Ngunit napuno na ang bartender sa pang-aabuso ni Citarella kaya tumawag ng pulis at siya ay ipinaaresto.

(ORANGE QUIRKY NEWS)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top