Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bea, gaganap na dyesebel (Andrea, ‘inampon’ nina Bea at Zanjoe)

Bea, gaganap na dyesebel (Andrea, ‘inampon’ nina Bea at Zanjoe)

BONGGA ang magsyotang Zanjoe Marudo at Bea Alonzo dahil pinanindigan na ang pag-ampon kay Andrea Brillantes ng isang Linggo.

Naikuwento ni Bea na mag-i-stay si Andrea sa bahay niya sa White Plains ng one week.

Anak-anakan kasi nina Zanjoe at Bea ang lead star ng Annaliza. Sabi nga ni Andrea, si Zanjoe ang pangalawang tatay niya.

Matinding bonding talaga ang mangyayari sa tatlo ngayong Holiday Season.

Bakit hindi na sila magpakasal at gumawa ng sariling baby?

“Hindi pa ako ready. Twenty-six pa lang ako, matagal pa. Mga 30 siguro o thirty-plus,”mabilis na sagot ni Bea nang makatsikahan siya ng PMPC sa magara niyang bahay.

Kahit si Zanjoe ay hindi pa rin daw handa. Marami pa raw silang gustong ipunin.

“Ako, breadwinner. Siya, nagsu-support sa family niya. For sure, marami pa siyang pangarap sa pamilya niya, ako rin ganoon. ‘Pag nag-asawa na kami, ibang family na ‘yung bubuuin namin,” sey pa ni Bea.

Gusto ba ni Bea na magsama sila ni Zanjoe sa isang serye? Wala pa namang offer. At saka extended na naman ang Annaliza hanggang March at posibleng umabot pa ng one year. Mas preferred din nila na hindi magsama pero kung may magandang materyales, posible rin na hindi nila ito pakawalan. Boring na rin kasi ‘pag laging magkasama at wala ng pinag-uusapan. Mas type pa rin niya na may space sila sa isa’t isa.

At saka may next serye si Bea next year under Dreamscape Entertainment. Drama raw ito pero hindi pa raw puwedeng i-reveal kung sino ang dalawang artista na makakasama niya.

May nagtanong din kung siya ang gaganap na  Dyesebel  sa ABS- CBN 2. Wala naman daw offer sa kanya.

Madalas kasi siyang mag-swim ngayon kaya mas lalo siyang sumeksi. Nag-post din siya ng picture sa Instagram na nagsi-swim kaya akala ng iba, siya na ang gaganap saDyesebel.

Anyway, balak ni Bea sa noche-buena na makasama ang pamilya ni Zanjoe sa kanyang bahay sa White Plains. Iimbitahan daw niya ito dahil sa Valle Verde  lang nakatira si Z. Hindi pa raw kompirmado ang mommy ni Zanjoe dahil baka raw umuwi ng Batangas.

Sa New Year, balak nila ni Zanjoe na pumuntang dalawa sa London pero hindi pa raw sure.

“Yun na!

Lilipat na rin daw ng GMA7

WILLIE, LULONG SA CASINO?!

GRABE naman ang intriga kay Willie Revillame na lulong na raw sa casino at nagpatalo umano ng P120-M.

Itinanggi niyang nagpapatalo siya ng milyong-milyong piso. Naglilibang lang daw siya pero alam niya ang limitasyon.

Kaya lang naman niya ibinenta  ang Wil Events dahil bukas na ang Wil Tower Mall niya na nasa tapat  ng audience entrance ng ABS-CBN 2.

Kaysa intindihin ng matulunging TV host ang mga intriga sa kanya, magpo-promote na lang siya ng kanyang Christmas album. Bukod dito, papunta siya sa Tacloban City sa December 22 para magbigay ligaya sa mga biktima ng Yolanda victim. Gagawa siya ng parang Wowowee sa naturang lugar na galing sa bulsa niya ang magagastos na aabot ng P5-M.

At  hindi rin kaila sa lahat na kamakailan ay nag-donate si Willie ng P10-M thru DSWDpara sa Yolanda victims.

‘Yan ba ang nauubos na ang salapi sa Casino?!

Tigil-tigilan niyo si Kuya Wil, ‘no?!

Speaking of Kuya Wil, mapapanood siya sa Kapuso Network. Magkakaroon siya ng guesting sa Startalk at nagpaunlak siya ng interview kay Jessica Soho na ipi-feature ang kanyang mga ari-arian.

Simula na kaya ito na sa GMA 7 siya magkaka-programa?

‘Yan ang abangan!

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top