Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / KC Concepcion, di kilala nang personal si Phil Younghusband (Tsismis lang daw ang lahat ng ‘yun! )

KC Concepcion, di kilala nang personal si Phil Younghusband (Tsismis lang daw ang lahat ng ‘yun! )

NAGUGULAT na lang si KC Concepcion sa mga lalaking iniuugnay sa kanya. After Paulo Avelino ay kay Phil Young- husband naman idinidikit ang pangalan ni KC. Nagsimula sa social media ang balita na nililigawan ni Phil si KC at exclusively dating na sila. Tapos pinik-ap sa mga tabloid. Nang makorner ang mega daughter(KC) sa isang event ay kaagad siyang inurirat ng press hingil sa isyu nila ni Phil, na nakarating na nga raw sa ex ng Azkals player na si Angel Locsin. Narito ang statement ni Cassandra, “Honestly, ang tagal ko na rin narinig ‘yan. Ayoko na nga mag-comment about it, kasi nakapapagod na rin ‘yung tsismis na wala naman pinanggagalingan,” say pa ng young singer-actress at dagdag pa niya. “Ako ang unang-una, hindi ko siya kilala. I mean, once ko lang siya nakausap siguro which is ‘yung interview pa with ‘yung girlfriend niya at that time,” paglilinaw ni KC na leading lady ni Laguna Gov. ER Ejercito sa “Shoot To Kill: Boy Golden” na isa sa official entry sa Metro Manila Film Festival 2013.

So, wala silang relasyon ni Phil at loud and clear na ‘yan gyud!

NYOBG’S LAST HURRAH

FOR 2013 The NYOBG (Not Your Ordinary Boys and Girls) joins the merry-making of the Yuletide season as they step once again onstage at Pagcor Casino branches with their Christmas-themed Not Your Ordinary Variety Show. NYOBG is Backroom’s newe- st roster of talents composed of Ian Batherson, Carlo Sawit, PJ Go, Avery Paraiso, Maui Lumba, Kaye Chua, Benj Bolivar, and Bon Jovi Osorio. This is NYOBG’s fourth month to hold shows at Pagcor. In their past shows, the group displayed charisma and exciting stage presence as they sashay the fashion runway wearing Jag outfits. A great night of fun and music awaits the audience as NYOBG pumps up the volume while on the catwalk and turn the venue into an exciting Yuletide party with their dance numbers. The NYOBG will also give gifts to the audience. The Not Your Ordinary Variety show is presented by Casino Filipino and Jag. Schedule is as follows: December 20 (Casino Filipino Angeles); December 21 (Airport Casino Filipino); December 26 (Casino Filipino Hyatt); and December 27 (Casino Filipino Tagaytay). Joining them as special guests are Casino Filipino 2012 winners, Pagcor artist Hadasa and Krazy Chikz. The NYOBG members are out to make their own mark in the entertainment industry. They are all excited to build a career in acting, dancing, singing, and hosting.

For Inquiries, call Backroom Inc at 4351108, 4351120 and 9280717 or email us at [email protected] Like Backroom Inc. on facebook at www.facebook.com/backroominc and or follow Backroom Inc. on twitter at www.twitter.com/BackroomArtists.

“KATHNIEL” MAGIC CLICK NA CLICK SA VIEWERS

‘Big Revelation’ sa “Got To Believe,” babago sa relasyon nina Chichay at Joaquin… Kabataan man o young-at-hearts, wagas kung kiligin sa mga romantic na eksena nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa top-rating primetime TV series ng ABS-CBN na “Got To Believe.”Patunay ng lakas ng ‘KathNiel magic’ sa mga manonood ay ang gabi-gabing pagwawagi ng programa sa ratings game at pagiging trending topic sa Twitter. Nitong Miyerkoles (Disyembre 4), humataw ng 27.9% national TV ratings ang “Got To Believe.” Base sa datos mula sa Kantar Media, tinalo nito ang dalawang katapat na serye sa GMA na Adarna (14.6%) at Genesis (12.2%). Naging no.1 nationwide trending topics sa Twitter nang magkakasunod na gabi ang mga hashtag na #G2BByYourSide, #G2BGoodbyeIsNotForever, #G2BBestDayEver, at #G2BBeforeILetYouGo dahil sa mga nakakakilig at nakakaiyak na bonding moments nina Chichay (Kathryn) at Joaquin (Daniel).

Sa pagpapatuloy ng fairytale nina Chichay at Joaquin, tiyak na wala nang bibitiw sa pagtutok dahil mas titindi pa ang ‘kilig factor’ sa mga susunod na linggo. Paano babaguhin ng ‘magical dust’ ang mga buhay nina Chichay at Joaquin? Anong gagawin nina Juliana (Carmina Villarroel), Jaime (Ian Veneracion), Mama Bear (Manilyn Reynes) at Papa Bear (Benjie Paras) sa sandaling malaman nila na childhood sweethearts ng mga anak nila ang isa’t isa? Ito na ba ang simula ng happy love life nina Chichay at Joaquin o hudyat ng pagdating ng mas malaking pagsubok? Patuloy na damahin ang kakaibang magic ng pag-ibig sa most romantic series ng 2013, “Got To Believe,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Honesto” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, o videos, mag-log on lamang sa www.got2believe.abs-cbn.com at sa official social media accounts ng programa sa www.facebook.com/G2B at www.twitter.com/G2BGottobelieve.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top