Wednesday , July 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Boy Tong Wong Gang utak ng tongpats sa Maynila (Attention: NCRPO RD Gen. Carmelo Valmoria)

Boy Tong Wong Gang utak ng tongpats sa Maynila (Attention: NCRPO RD Gen. Carmelo Valmoria)

00 Bulabugin JSY

ININGUNGUSONG utak ng lantarang kotongan o tongpats sa Maynila ngayon ay ang isang antigong tulis ‘este’ pulis ng Manila Police District (MPD) na lider umano ng kilabot na Tong Wong Gang.

FYI MPD DD Gen. Isagani Genabe, itong si alias SPO-0-2-10 BOY TONG ang siyang nangongolektong para sa MPD Office of District Director (ODD), District Special Operation Unit (DSOU), Manila Action and Special Assignment (MASA/City Hall Manila ).

Reklamo ng mga pobreng vendor, ang lider ng Wong Tong Gang ang dapat ipahuli at ipakulong ni Manila Mayor Erap Estrada sa pamemerhuwisyo sa kanila.

Sa oras na ‘di nakapagbigay ng lingguhan tong/tara sa grupo ni BOY TONG WONG ang pobreng vendors ay magdadala agad ng 6×6 truck mula sa District Public Safety Batalion (DPSB) para hakutin ang kanilang paninda sa kahabaan ng Divisoria Claro M. Recto?!

Hindi lang illegal vendor ang sinasalakay  at kinokolektong ni BOY TONG, maging ang mga kobrador ng EZ-2, lotteng, jueteng, bookies, color game at video karera machine operator .

Maging ang mga tulak ng droga sa Maynila ay nakatimbre na rin sa Tong Wong Gang lalo na sa A.O.R ng MPD PS-4. NCRPO Chief C/Supt. Valmoria, pwede mo bang unahing sampolan ang tarantadong pulis na si BOY TONG WONG!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top