Saturday , August 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Quiapo vendors umaalma na sa Tent Vending System ng Maynila

Quiapo vendors umaalma na sa Tent Vending System ng Maynila

00 Bulabugin JSY

KINASUSUKLAMAN na ngayon ng mga pobreng vendors ang pamunuan ng Manila City hall dahil sa kung ano-anong mga test projects at programa para sa kanila ang ipinatutupad para palabasin lamang na Zero Kotong na ang mga nagpapapoging opisyal ng lungsod.

Kamakailan inumpisahan ng pamunuan ng Maynila ang pagtaTABOY sa mga maralita at pobreng vendors sa Quiapo Maynila upang ipasok ang programang kuwarta  ‘este’  tent vending.

Nagwala ang mga antigong vendor at pati ang mga kapatid nating Muslim vendors sa Plaza Miranda upang ipakita ang kanilang pagtutol sa naturang TENT PROJECT.

Naispatan pa sa lugar ang isang olat na Konsehal na si talunang LECHE ‘este mali’ CHE BORROMEO na sinasabing big boss ngayon ng MANILA-DPS habang panay ang hitit-buga ng YOSI sa harap ng mga galit na vendors.

(By the way, ano ba talaga ang papel ni Borromeo d’yan sa DPS!?)

Kasama rin daw ni Leche ‘este’ Che si Alex M. na bagong hepe (na naman!?) raw ng Manila HAWKERS.

Ang nakapagatataka anila ay kung bakit hindi maideklara nina BORROMEO kasama ang TENT ORGANIZER kung magkano ba talaga ang magiging DANYOS o OBLIGASYON ng mga Quiapo vendors kapag pumayag sila sa TENT VENDING.

WALA raw matinong maisagot sa mga tanong ng vendors ang grupo nina BORROMEO at TENT ORGANIZERS.

Lalong uminit ang usapan nang mabatid ng Quiapo Muslim vendors sa CARRIEDO na may grupong BACLARAN ang nakaambang mag-okupa ng mga tent sa kanilang teritoryo!?

Mayroon na raw naging CASHunduan ang grupong Baclaran at Taguig para magtinda sa Quiapo sa pamamagitan ng TENT vending system.

Kaya’t ang nangyayari ngayon sa QUIAPO, Maynila ay tila walang TULUGAN ang mga vendor at walang UWIAN dahil sa mahigpit nilang pagbabantay sa kanilang pwesto sa takot na maSULOT ng mga DAYONG vendors.

Sigaw nga ng mga galit na vendors sa QUIAPO e agawin na n’yo asawa ko ‘wag lang ang pwesto ko!

Sonabagan!!!!

Mabuti na lang daw, mayroon isang OPISYAL ng MPD ang namagitan sa isyung ito na si MPD Deputy Dir. Sr/Supt. Gilbert Cruz kaya’t napahupa ang galit ng mga vendor dahil kung hindi baka anila dumanak ang dugo sa lugar na ‘yan.

Mayor Erap, it’s about time na ipakita mo na ikaw ang lider at nasusunod sa mga patakaran para sa vendors sa Maynila!

‘E parang hinalong-kalamay raw ang administrasyon mo Mr. Erap sa dami ng bumibida diyan sa City Hall!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top