Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Universal Girl club sa Pasay City namamayagpag pa rin

Universal Girl club sa Pasay City namamayagpag pa rin

00 Bulabugin JSY
TULOY ang ligaya at mukhang wala nang balak si anti-human trafficking czar VP JOJO BINAY na balikan ang namamayagpag na operasyon ngayon ng UNIVERSAL GIRL CLUB sa F.B. Harrison Pasay City.

Siya ang nagpasara ng nasabing CLUB matapos salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa prostitution at nakahuli ng MENOR DE EDAD.

Ang ipinagtataka lang natin dito, bakit muli na naman namumukadkad ngayon ang UNIVERSAL GIRL CLUB.

Nag-iba lang ng pangalan pero ganoon pa rin. Sandamakmak ang mga bebot na tila mga damit sa department store na pinagpipilian.

Ang galing-galing talaga ng KAMAGANAK Inc., BUHAY na BUHAY sila sa Lungsod ng Pasay.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top