Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / PHILSCA Woodpushers nagpakitang gilas

PHILSCA Woodpushers nagpakitang gilas

NAGPAKITANG-GILAS ang koponan ng  Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) woodpushers sa pagtatapos ng 26th SCUAA-NCR (State Colleges and Universities Athletic Association -National Capital Region) Chess Team Competition sa 3rd floor Library area ng Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) Villamor Campus sa Pasay City.

Naibulsa ng tropa nina PhilSCA College President Dr. Bernard R. Ramirez at Asst. Prof. Gigi A. Manaog ang apat (4) na gold, isang (1) silver at isang (1) bronze medals sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sanctioned tournament kung saan ay pinangasiwaan nina International Arbiter at National Master Erwin Carag bilang chief arbiter habang ang assistant ay si Fide Development Instructor Dari Castro.

Overall, tumapos ang men’s team sa 4th place finish habang lumagay naman ang women’s team sa 5th place finish. Nasilayan din ang PhilSCA chess team sa Meralco Chess Club simultaneous exhibition at tune-up match.

Si Filipino at United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr. ang head coach ng PhilSCA chess team kung saan kaagapay din sa paghahanda ay si Bryan Montero.

(Marlon Bernardino)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top