Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ser Chief, gagawa ng movie na mala-Pretty Woman

Ser Chief, gagawa ng movie na mala-Pretty Woman

UNANIMOUS decision daw ang pagpili kay direk Frasco Mortiz para idirehe ang Pagpag: Siyam ang Buhay sabi ng producer na si Enrico C. Santos para sa Star Cinema at Regal Entertainment para sa 39th Metro Manila Film Festival.

“Kami, ‘yung team namin kasi si direk Frasco may dalang batang style kasi galing siya sa ‘Goin’ Bulilit, The Reunion’.

“Kasi ang material na ito (‘Pagpag’) ay hindi siya pang-seryosong direktor kunwari Chito Rono or sino ba ang mga direktor na seryosong mag-horror, Jerry Sineneng o ako.

“Kasi, the director should be young kasi dapat marunong siyang mag-blend ng horror, romance, at youth comedy,” paliwanag ni ECS.

Nakakatatlong pelikula na raw si direk Frasco, ang The Reunion, 24/7, at itong Pagpag, ”it’s a perfect material for him. Like sa ‘LuvU’, magaling siya roon, sa comedy ng Bulilit, magaling siya roon.

“At saka si direk Frasco, pagbasa palang niya ng script, may vision na talaga siya na parang pinaghalong ‘Final Destination’ pero ang takot ay ‘Feng Shui’, ang energy ay ‘Final Destination’. Walang direktor ang nagsabi sa amin na iyon ang vision niya sa pelikula, so puwede na. Feeling ko nga, isa ito sa magta-top, eh. Number three (3),” dagdag paliwanag pa ni Enrico.

Kilalang direktor din si Enrico kaya natanong namin kung bakit hindi siya ang nagdirehe ng Pagpagdahil tanda namin ay maganda ang pagkakadirehe niya sa Cinco noong 2010 para sa segment naPaa.

“Ako kasi ang producer at co-writer dito, and I’m required to (write) na apat every year para sa pelikula kaya hindi ako puwedeng magdirehe hangga’t hindi ko natatapos ang load ko. So, dapat makapag-advance ako next year para makapag-direhe ako. Kaya dapat makatapos ako ng apat na pelikula (scripts) bago ako magdirehe,” paliwanag ng Skylight executive.

Sa Pebrero 2014 daw siya babalik sa pagdidirehe, ”ipinakiusap ko na kay Malou (Santos) dahil kung hindi, otherwise, makakalimutan ko na magdirehe.

At dalawang horror movies daw ang planong gawin ni Enrico sa pagbabalik niya at ang bida ay ang aktres na nakagawa na rin dati ng horror film.

Samantala, tinanong namin kung may plano siyang gawan ng horror film si Sir Chief o Richard Yap para maiba naman ang role na gagampanan niya.

“Ay, ano ‘yun, pang ‘Pretty Woman’ ang role namin sa kanya, hindi siya puwede, hindi siya mananakot at hindi siya natatakot, hindi siya bagay doon,” paliwanag sa amin.

Sa kabilang banda, powerful cast ang Pagpag dahil kasama sina Paulo Avelino, Clarence Delgado, Matet de Leon, Dominique Roque, Miles Ocampo, CJ Navato, Michelle Vito, Janus del Prado, Marvin Yap, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Shaina Magdayao.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top