Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / jose Manalo, nang-agaw ng eksena sa exhibition game

jose Manalo, nang-agaw ng eksena sa exhibition game

MULING nagpasaya si Jose Manalo  noong Sabado nang imbitahan ng basketbolistang si Kiefer Ravena  para sumali sa benefit game na  Fastbreak 2 sa Blue Eagle Gym para sa mga biktima ng bagyong  Yolanda.

Isa si Jose sa mga artistang naglaro ng basketball para makalikom ng pera at hindi kumupas ang kanyang pagpapatawa sa court.

At noong sila’y muling magkita ni Gerald Anderson sa court ay tila naulit ang ginawa nila sa isa pang benefit game sa San Juan Arena noong Enero 2012.

Bukod kina Jose at Gerald, naglaro rin sina Xian Lim, Billy Crawford, James at Jim Salas, Vhong Navarro, Luis Alandy, Derek Ramsey, Ervic Vijandre, Rocco Nacino,at Marco Alcaraz.

Nanood din ng laro ang magkasintahang Jasmine Curtis at Sam Concepcion.

Samantala, sinabi ni Jasmine sa amin na may bagong show siya sa TV5, ang Spin Nation, isang musical show na isa siyang VJ. Mapapanood ang bagong show ni Jasmine tuwing Sabado, 11:00 p.m..                                   (JAMES TY III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top