Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jobert, nainsulto sa pabalang na sagot ni Xian

Jobert, nainsulto sa pabalang na sagot ni Xian

HAPPY mode ang ambiance sa programang Showbiz Mismo nina Jobert Sucaldito at Ahwel Paznoong Martes ng gabi dahil nasa Smart Araneta Coliseum ang huli para mag-ulat sa mga kaganapan concert ng mga bituin ng Kapamilya para sa mga biktima ni Yolanda.

Maraming artista ang bumati thru phone patch tulad ni KC Concepcion na kararating lang mula sa kanilang show ng kanyang Megamom na si Sharon Cuneta sa Europe. Imagine, from the airport, tuloy agad siya sa Big Dome para maging bahagi ng concert. Maganda ang palitan ng tsika kaya ang ending, happy si Jobert na nasa home base.

Maraming nakitang mga artista si Ahwel pero dahil sa kanilang pagiging abala, iilan lang ang nakapagbigay ng pagbati like Roby Domingo and even the beautiful Dawn Zulueta. Pati si Anne Curtis ay nagbigay din ng kanyang mensahe pero medyo na-off si Jobert dahil sobrang igsi ng mensahe ng aktres at agad pa itong umalis kahit may gusto pa itong  tsikahin ang aktres.

Agad naming nakuha ang isip ni Jobert, alam namin na hindi ito magtatanong tungkol sa isyung sampalan kasi bawal nga pag-usapan ito. Halatang nag-control lamang ng kanyang pasensiya si Jobert kaya lang hindi nito napigilan nang feeling niya’y nabastos sila ni Xian Lim nang bumati ito sa programa. Jolly as ever, tinanong ni Jobert ang aktor kung kasama ba nito si Kim Chiu, ”Ano bang tanong ‘yan?!” agad na sagot ng aktor.

Feeling humiliated ng mga sandaling ‘yon dahil sa tagal na nito sa industriya, maraming naging kaibigan at rumespeto pero heto ang isang baguhang hind pa naman inabot ng ilang taon at hindi naman kasing-sikat nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz ay parang nainsulto sa pagsagot sa kanya. Ang gustong mangyari ni Jobert ay magkaroon ng kilig factor ang kanilang usapan kaya naitanong si Kim sa kanya na balitang girlfriend nito pero pabalang ang sagot ng aktor kaya ang ending, masama ang loob nito sa aktor.

Jeff James, sikat na FilAm singer sa Hawaii

KATATAPOS lang ng A December Affair to Remember na nagtampok kay Jeff James, isang Pinoy-Hawaiian singer from Hawaii na produce ng MVV Booking Talents Center na pinamahalaan ni Michael V. Villanueva. Ang kikitain dito ay ido-donate sa mga nasalanta ng Yolanda sa Northern Visayas thru the Janice Hung Arts and Sports Foundation. This also marked the first-ever Philippine concert by the artist and was ably supported by an array of our local talents.

Ginanap ito noong Lunes, Decemeber 9 sa Alegria Lounge ng Manila PAGCOR Pavilion.

Pinoy by blood si Jeff dahil ang ina nito ay si Linda Ramirez-Perez, isang Pinay na lumaki sa Hawaii at isang Hawayano naman ang kanyang ama, si Chuck James na nagmamay-ari ng Chuck James Music School with three branches all over the island.

Medyo mamamalagi sa bansa si Jeff para maibahagi ang kanyang talent bilang singer/songwriter at ang forte ay R&B, soul, reggae and pop music. Affiliated siya ngayon sa OPM Philippines,Ukelele Manila, at Rockman Productions. In 2009 ay nabuo nito kanyang banda, Talk To You Music (TTYM) na nag-number one ang kanilang debut single,  Hawaiian Girls sa Hawaii Charts at nanalo ang kanilang banda sa biggest battle of the bands, ang MaiTal Rumble sa Hawaii.

In 2011, nanalo ang kanyang Hawaiian Girls sa Na Hoku HanoHano, isang prestigious award-giving body in Hawaii at counterpart ng Grammy Awards of USA. Napanalunan din nito ang 2013 Most Promising International Male Singer Performer of the Year by Top Brand Awards Philippines and also, Peoples Choice Asia Award bilang 2013 Best New International Male Performer & Recording Artist of the Year. Available na ang kanyang album, Just Be Yourselfalbum sa https//itunes.apple.com/us/album/just-be-youself/id674339219.

You can also check out his Music Videos and Live Rehearsals Videos: www.youtube.com/TalkToYouMusic.

Alex Datu

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top