Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Wish ni Jasmine na mai-guest si Sam sa SpinNation, imposible

Wish ni Jasmine na mai-guest si Sam sa SpinNation, imposible

HINDI pala puwedeng mag-guest o mapanood sa ibang TV network si Sam Concepcion dahil exclusive contract siya ng ABS-CBN.

Gusto kasi ng girlfriend niyang si Jasmin Curtis Smith na i-guest siya sa programa niyang SpinNation na first music social media na napapanood tuwing Sabado, 11:00 p.m..

Tinanong namin ang publicist ni Sam na si Gian Carlo Vizcarra ng Stages na sa pagkaalam niya ay bawal lumabas si Sam at maski na hindi magkatapat ang anumang programa nila ni Jasmin ay hindi puwede.

Dagdag pa na VJ si Sam ng MYX na halos pareho rin ng concept ng SpinNation kaya mas lalong hindi puwede.

In fairness, bagay magsama sa isang show din sina Sam at Jasmine dahil may chemistry sila at marami silang fans, huh.

Anyway, may sumugal kayang ipag-produce sila ng pelikula tulad ng I Do Bidoo?
Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top