Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Van Opstal, Perkins mga pivotal players

Van Opstal, Perkins mga pivotal players

MGA pambatong players mula sa nag-kampeon na teams sa De La Salle at San Beda ang bibigyan ng parangal ng UAAP-NCAA Press Corps at SMART sa magaganap na 2013 Collegiate Basketball Awards sa Saisaki-Kamayan EDSA sa Linggo.

Susukbit ng special awards sina Arnold Van Opstal at Jason Perkins ng Green Archers habang sa Red Lions ay sina Art dela Cruz, Baser Amer at Rome dela Rosa.

Nangibabaw sina Van Opstal at Dela Cruz para sa Pivotal Player honors matapos ang ipinakitang tikas sa Finals na kanilang nilaruang liga habang sina Perkins at Amer ay tatanggap ng Impact Player awards.

Napunta kay Dela Rosa ang Super Senior na tinulungan ang San Beda na makopo ang pang-apat na sunod na kampeonato sa kanyang huling taong paglalaro.

Nagkampeon ang DLSU sa season 76th UAAP habang sa 89th season ng NCAA nakopo ng SBC ang titulo.

Kasama rin sa mabibigyan ng award ay sina Jeric Teng at RR Garcia.

Pinangunahan ni Teng ang Tigers para makarating sa UAAP Finals sa ikalawang sunod na taon habang si Garcia ay tinimon ang Far Eastern University Tamaraws sa Final Four.

Sina Juno Sauler at Boyet Fernandez ang nasa listahan din ng awardees sa annual staging ng event na suportado ng Smart Sports, Accel 3XV1, Gatorade, Meralco, Talk ‘N Text, Filoil Flying V, UAAP Season 76 host Adamson, NCAA Season 89 host College of St. Benilde at Philippine Sportswriters Association.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top