Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Tatay itinakas bangkay ng anak (Walang pambayad sa ospital)

Tatay itinakas bangkay ng anak (Walang pambayad sa ospital)

“Wala po talaga akong pambayad sa ospital at sa embalsamo at pampalibing, kaya itinakas ko na lamang ang bangkay ng anak ko, talagang walang-wala ako, nangangalakal lamang ako.”

Ang maluha-luhang sinabi ng isang ama matapos dalhin sa ospital ang 2-anyos na anak na lalaki, pero namatay rin dahil sa dehydration.

Sa ulat ni SPO1 Edcel dela Paz, may hawak ng kaso, dakong 8:15 kamakalawa ng gabi nang isugod ni Marlon de Leon, 30-anyos, magbobote, ng Block 11, Lot 30, Hipon Alley, Brgy. Longos, Malabon City, ang anak na si Kevin, 2-anyos, sa Pagamutang Bayan ng Malabon.

Sa pagsusuri ni Dr. Emerlito Banguyan ng PBM, naubusan ng tubig sa katawan ang bata dahil sa sobrang pagtatae sa loob ng dalawang  araw bago nadala sa nasabing pagamutan.

Dahil dito, ideneklarang patay ang bata at pansamantalang inilagak sa morgue ng pagamutan pero dakong 1:45 ng madaling araw,  itinakas ng ama ang bangkay ni Kevin.

Natunton ang mag-ama sa harap ng Missionaries of Charity sa Tayuman, Maynila, upang humingi ng tulong para mailibing ang anak.

Maraming mabubuting kalooban naman ang nagbigay ng tulong.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top