Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Sinag balik-aksyon ngayon

Sinag balik-aksyon ngayon

PAGKATAPOS ng isang araw na pahinga kahapon dahil sa opening ceremonies, muling sasabak ngayon ang Sinag Pilipinas kontra Myanmar sa pagbabalik-aksyon ng men’s basketball sa 27th Southeast Asian Games.

May dalawang panalo ang tropa ni coach Jong Uichico kontra Singapore, 88-75 at Cambodia, 107-57 at llamado sila sa laro kontra sa mga Burmese.

Ngunit sinabi ng team captain ng mga Pinoy na si Kevin Alas na hindi pa gaanong sanay sa isa’t isa ang mga manlalaro ni coach Jong Uichico kaya nahirapan sila kontra sa Singapore.

“Nagkakakilanlan pa rin. Kasi hindi naman talaga nagkaroon ng chance ang team mag-ensayo together ng matagal. At least, bumawi sa depensa yung team,” wika ni Alas sa panayam ng PTV-4 Sports.

“Talagang nag-focus lang `yung team. Inilabas `yung tunay na laro. `Yung una kasi medyo nanggigil kontra Singapore. Opening game kasi eh. Buti naman naka-adjust agad.”

Umaasa si Alas na lalaro siya para sa mga Pinoy sa mga krusyal nilang laro kontra sa Thailand, Indonesia at Malaysia.

“Hindi pa ako pinapalaro ng team doctor. Gusto ko na nga. Hopefully makahabol agad pag puwede na,” ani Alas na nagkalagnat nang dumating ang Sinag sa Myanmar.

Maliban sa 1989 kontra Malaysia, palaging ginto ang nakukuha ng mga Pinoy sa men’s basketball sa SEA Games.

Ipapalabas ang laro ng Sinag at Myanmar sa Studio 23 sa alas-7 ng gabi.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top