Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Shaira Mae, umiwas mainterbyu ng press?

Shaira Mae, umiwas mainterbyu ng press?

NANGHIHINAYANG ang mga katoto na hindi nila nakatsikahan ang produkto ng Artista Academy na si Shaira Mae dahil kaagad siyang sinundo ng boyfriend niyang si Edgar Allan Guzman sa nakaraang launching ng bagong beauty clinic na Finessa Aesthetica na matatagpuan sa 26 Scout Tobias, cor. Scout Rallos, Timong, Quezon City.

Pagkatapos kasi ng ribbon cutting at pictorial kasama ang Star Magic talent na si Angel Arida ay biglang umalis na si Shaira Mae dahil naghihintay na raw sa sasakyan si Edgar Allan.

Say naman ng mga katoto, “buti nga iinterbyuhin siya para may exposure, ayaw niya (Shaira Mae)?”

Eh, baka ayaw din ni Edgar Allan kasi nga kapag may girlfriend siya nawawala siya sa focus ng career.

Anyway, ang  Finessa Aesthetica ay pinamamahalaan ni Jowee Suarez na rating empleado rin ng isa pang beauty clinic na sikat ngayon. Ayon kay Jowee, nag-aral siya pagka-alis sa rating pinapasukan at nang makapagtapos ay heto at may offer sa kanyang mag-manage ng nasabing clinic.

Base sa kuwento ni Jowee, ayaw magpakilala ng isa sa may-ari ng Finessa Aesthetica dahil for security kaya na-curious kami kung kilala ba ito sa industriya at bakit ayaw ng exposure.

“Ay hindi po, ayaw lang niyang nasusulat, low profile po kasi at saka marami siyang business din,” katwiran sa amin ni Jowee.

Ang isa sa may-ari ang nakatsikahan namin na si Erika Joyce na Nurse by profession pero ang day job niya ay procurement manager sa kilalang malaking kompanya na may kinalaman sa chemicals.

Bukod sa Finessa Aesthetica ay nagtayo rin si Erika Joyce or EJ ng spa at salon sa Kalentong, Mandaluyong at sa E. Rodriguez katapat ng St. Joseph College.

Maraming itinayong negosyo pala itong si EJ at nabanggit niyang mahirap magtayo, “mahirap ang pera ngayon, kaya kung nalugi ang isa, eh, di may isa ka pa, kaya marami akong negosyo bukod doon I’m also working pa as an employee para may regular income.”

Nagulat kami sa rami ng negosyo ni EJ dahil sa edad na 28 ay nakaipon na siya kaagad ng ganoon at nalaman namin na galing sa mana niya sa ama ang ipinangpuhunan.

“I was so lost when my dad died, lahat ng bisyo ginawa ko, I’m into drinking, smoking, kaya tumaba ako ng ganito, before my waist line was 24 inches, now it’s 32 na, ha, ha. Kaya I challenged myself to put up Finessa Aesthetica para mapilitan din akong gamitin.

Ano ba ang pagkakaiba ng itinayo niyang negosyo sa ibang kilalang beauty clinic ngayon?

“Finessa Aesthetica Body treatments includes tunnel, sauna, PDT light full body exfoliation with dead sea salt, tightening, toning, and slimming problem areas with the “Body and abs sculpture, Sound Wave Slimming System, Non-Invasive Ultra Liposuction, Cryolypolysis, and Ultra-Cavitation.

“Our physicians also perform many cosmetic procedures such as Botox, Fillers, etc. The in-house nurses also can do procedures such as IV gluta with vit-c, collagen, placenta,” paliwanag ni EJ.

At ang dahilan kaya siya nagtayo ng spa at salon, “lahat kasi ng beauty salon ngayon, pataasan ng presyo, for me, dapat mas mababa para pasukin ka, kikita ka naman maski mura kasi by bulk naman ang pasok ng customer at magagaling at magagalang ang staff ko.

“Ako kasi, personally kapag nagpupunta sa ibang salon, gusto ko maayos at magalang ang mga staff at siyempre mura, pero ‘yung iba hindi, so naisip ko, magtayo ako ng affordable para makapag-employ din ako at makatulong sa ibang tao.”

“Pang-masa ang presyo ko kasi sila ang target customers ko, kasama na ang Finessa Aesthetica, you can try, mura lang kami,” say ni EJ.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top