Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Sex for flight’ ipinasa na sa NBI

‘Sex for flight’ ipinasa na sa NBI

HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang report ng Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa sarili nitong imbestigasyon sa usapin ng ‘sex for flights’ scheme.

Ito ang kinompirma ni Justice Sec. Leila de Lima matapos siyang ipatawag ng House committee on overseas workers affair.

Ayon kay De Lima, bagama’t hindi pa nila ito maisasapubliko ngayon, tiyak na magiging mahalagang bahagi ito ng kanilang kasong ihahain laban sa mga sangkot sa usapin.

Magugunitang umani ng matinding pagkondena ang labor officials na nasangkot sa sex for flight scandal, matapos malantad sa Congressional inquiry ang mga ginawa nila sa ilang OFW.

Tiniyak ni De Lima na bibigyan nila ng kaukulang protek-syon at suporta ang mga testigong papasa sa panuntunan ng Witness Protection Program (WPP).

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top